100, FIRST DIRECTORIAL job ni Chris Martinez na nanalo agad ng Best Director and Best Screenplay sa Cinemalaya Film Festival. Nakamit din ni Mylene Dizon ang Best Actress trophy and Eugene Domingo as Best Supporting Actress at Audience Choice award sa nasabing prestigous film festival.
Kahit inspired sa English film na Last Holiday ni Queen Latifah ang 100 ni Direk Chris, matino at seryoso naman ang pagkakadirek nito. Maging ang box-office film na Kimmy Dora ni Eugene ay hango rin sa foreign film na Big Business nina Bette Midler at Lily Tomlin. Ang Here Comes The Bride ay may pagkakahawig din sa character nina Jamie Lee Curtis at Lindsay Lohan na Freaky Friday. Ang pagkakaiba lang nila, mas maraming character ang movie ni Direk Chris kaya mas riot ito sa katatawanan.
“Hindi ko naman sinasadya sa dami naman kasi ng mga napanood kong English film, ‘yung consciousness ko siguro naipon du’n. Sa tingin ko, wala namang masama du’n kasi parang global community na tayo. As long as malapit sa experience nating Pilipino, okey lang ‘yun sa palagay ko. Sumusunod lang po ako sa inihain ng Panginoon… Naghanap kami ng magandang project na may chance maging box-office success. Sinikap namin gumawa ng kuwento na papasukin ng mga tao sa sinehan,” depensang sabi ni Direk Chris.
Year 2004 nang magsimula si Direk Chris maging scriptwriter ni Direk Jeffrey Jeturian sa pelikulang Bridal Shower, at Bikini Open. Then the smash hit thriller Sukob and the blockbuster movie Caregiver ni Sharon Cuneta. He also stage-directed and wrote theatrical plays like Welcome to Intelstar and Zsa Zsa Zaturnah, Ze Muzikal.
Ikinuwento ni Direk Chris ang nakalolokang na-experience niya kina Eugene, Angelica Panganiban, John Lapus at Tuesday Vargas. “Si Tuesday, pumi-pick-up ang energy niya kapag 3 A.M. onward, dire-diretso na ‘yung energy niya. Kapag may araw pa, tahimik ‘yan, kapag twelve na ng gabi para ‘yang magsi-show sa comedy bar, ang taas ng energy! John naman, very helpful ‘yan sa mga kalokohan, magaling sa mga suggestion and I’m very thankful. Iba naman si Angelica, parang appliances ang batang ito. Kapag I-on mo na siya, on the go… kahit alam kong pagod siya kapag isinalang mo at gumiling na ang kamera ma-surprise ka, more than you expect. Si Uge, marami pa siyang puwedeng gawin dahil she’s very versatile. Nakita na natin siyang mag-drama, mag-comedy, ang dami-daming puwede niyang gawin na role sa pelikula. Sana makatulong ‘yung pagkakapanalo niya ng Best Actress,” pahayag niya.
Naging mahirap din kay Direk Chris pagsabay-sabayin sa isang eksena ang kanyang mga artista. “Ang hirap silang i-schedule lalo na sina Eugene, Angelica, John, Tuesday at Cherie Pie Picache. Naiintindihan ko naman sila dahil nasa TV talaga ang trabaho. I wish bumalik uli sa dati, moviestars are moviestars! Gusto kong makatrabaho si Sharon Cuneta at ‘yung malalaking stars natin like Ate Vi (Vilma Santos) and Boyet de leon. ‘Yung mga alamat na sa movie industry, hindi naman siguro masama ang mangarap. Excited akong malaman kung ano ‘yung puwede kong matutuhan sa kanila. Siyempre, this is my second movie as a director, marami pa akong dapat matutuhan and I’m willing to learn more…” aniya.
Kahit nalilinya sa mga comedy films si Direk Chris gusto rin niyang gumawa ng heavy drama na iiyak ang manonood. “Gusto ko ring sumubok ng drama na parang masakit sa dibdib ‘yung ganu’n na pelikula, mabigat…” seryosong turan niya.
Palibhasa nagkakapalit-palit ng character ang mga artista ni Direk Chris sa bago niyang pelikula, sinong katawan ang gusto niyang saniban? “Of course si Jaime Zobel dahil siya ‘yung pinakamayaman at pinaka-guwapo pa!” Pakuwelang sagot ni Direk Chris na biglang tumawa nang malakas.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield