Aminado ang award-winning director na si Chris Martinez na malaking challenge sa kanya ang bagong obra lalo na’t nakasentro sa mga beki ang istorya nito.
“Challenge talaga kung paano mo mahimok ‘yung mga straight guys na manood nitong pelikula,” pahayag pa niya.
“Pero ang feeling ko naman, ‘yung mga straight umiikot din naman sila sa mundo ng mga beki. Ang mga straight, may mga beki friends, beki bosses, beki subordinates, beki parents, beki boyfriends. So, sana mahimok natin ‘yung mga straight to support and watch,” dagdag pa niya.
Iba raw ang pelikula niya kumpara sa dalawang naunang beki movie na The Third Party at Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend.
“‘Yung mga nauna, parang rom-com sila, eh. ‘Working Beks’ is not like that, meron din siyang romance, meron din siyang love story, meron din siyang kilig, but hindi siya ‘yung pinaka-point ng kuwento.
“Ang pinaka-point nu’ng limang kuwento nina John Lapus, Edgar Allan Guzman, Prince Stefan, TJ Trinidad, at Joey Paras is actually gay empowerment, respect, and love. Sa movie ko, lumalaban po ang mga bakla rito, hindi po sila nagpapaapi,” diin pa niya.
La Boka
by Leo Bukas