Ang horror film na “Ilawod” ang latest project ni Direk Dan Villegas sa Quantum Films na mas kilala sa paggawa ng romcom movies tulad ng “English Only Please”, “Always Be My Maybe”, etc. Aminado ang director na nanibago siya sa horror, pero gusto raw niyang makagawa ng ibang genre kaya ginawa niya ang “Ilawod”.
“Hindi po ako sanay (sa horror), eh,” natawang pahayag ng award-winning director.
“Siyempre po mahirap din ‘yung paulit-ulit ‘yung ginagawa mong the same genre. Siyempre, mas masarap din naman ‘yung makagawa ng bago. You experiment and you got to do new things. So hayun po… mahirap, kasi ibang-iba ito,” dagdag pa niya.
Eh, ano bang mas mahirap gawin, horror o romcom?
“Pareho naman itong mahirap, pero I wanted to try a different genre. Iba naman ang challenge in doing a horror film,” sey pa niya.
Patuloy pa niya, “When Atty. Joji Alonso told me na gusto niyang gumawa ng isang bagong project, naisip ko to talk to Yvette (Tan) and ask kung may script siya na puwede naming gawin. Tapos ito na nga ‘yon.”
Kuwento pa ni Direk Dan, sometime in 2012 pa nila nakapagkasunduan ni Yvette na gagawa sila ng movie at ngayon nga lang daw ito natupad sa “Ilawod”.
La Boka
by Leo Bukas