SA INTERBYU namin kay Direk Dan Villegas sa presson ng movie niyang Changing Partners na magkakaroon ng commercial release on Jan. 31 after nitong ipalabas sa Cinema One Original film festival ay nagbigay siya ng reaksyon sa mga rant o himutok ng partner niyang si Direk Antoinette Jadaone sa social patungkol kay Nadine Lustre.
Ilang beses na kasing napa-pack-up ang syuting ng ginagawa nitong pelikula na pinagbibidahan nina James at Nadine at tila napuno na ang lady director kaya dinaan niya sa social media ang kanyang nararamdaman.
Ani Direk Dan, “Ano lang, siyempre director din ako and I can say na nakakawala ng buwelo, nakakawala talaga. For whatever reason, di ba?
“Si Tonet kasi very ano siya, eh, very emotional person siya. Yon yung napi-feel niya no’n so pinost niya. Kasi nga nawala yung buwelo. Parang maybe some people are over thinking it a little bit too much,” paliwanag ni Direk Dan.
Ayon pa kay Direk Dan, mga 5 to 6 times na rin daw napa-pack-up ang syuting ng Jadine for their new project sa Viva.
“Alam ko si Nadine yung may sakit nung huli. Madaming reason, eh. Yung isa actually na-pack-up kami because of location. Tapos may mga conflict sa schedules, so hindi lang siya sa ano…
“Ako, as a director nakakapikon talaga siya. Hindi nyo maiaalis sa kanya yon. Kahit sino pang director yan, na nakuha mo na yung groove mo biglang napa-pack-up ka, nakakainis talaga yung feeling na yon,” katwiran niya.
Natanong din ang director kung totoo bang lasing si James kaya di rin nito nasipot ang isang araw ng syuting.
“Kung nagpakalasing ka the night before, pumarty ka, the next day dumating ka, mag-work ka, mag-deliver ka.
“I’m not even saying being an actor ha, kahit being camera man or production design yan. I don’t care about your life outside, di ba? Trabaho ito at the end of the day, but you deliver.
“Gusto ko man kayong bigyan ng magandang ano… pero kasi ayokong mag-judge,” pahayag niya.
Samantala, may mga eksena ang kukunan sa Jadine sa London na part din ng pelikula at ayon kay Direk Dan ay matutuloy daw ito dahil nakapag-occular na sila doon.
La Boka
by Leo Bukas