PRIDE OF EVERY Filipino ang pagkakapanalo ng Best Director (Katayan) ni Brillante Mendoza sa nakaraang Cannes Film Festival. Nagsimula siya bilang production designer sa Private Showni direk Chito Rono, Takaw Tukso with direk William Pascual at sa Seiko Films ni Robbie Tan.
“That time, wala talaga akong plan na gano’n, happy na akong nakapasok sa showbiz. Sabi ko nga sa mga friends ko, kahit anong trabaho okey lang, gusto ko lang talaga. Noong nagtatrabaho na ako sa pelikula nakikita kong nagdidirek ‘yung mga direktor ng action at bold films, sabi ko at that time, masarap siguro maging director pero nobody will take me seriously, ‘di ba ? Nag-advertising ako. I did Red Bull commercial with Gardo Verzosa, ‘yung nakahubad sila tapos may lubid-lubid sila, that’s my idea,” paglalahad ni direk Dante.
Nangarap na nga maging director si Brillante pero wala naman nagseryoso. “Actually, nag-iimbento ako para magkaroon ng idea ‘yung mga tao na gusto kong magdirek at mabigyan ako ng break. ‘Yung mga friends ko, alam nilang gusto kong magdirek. Then finally, sabi ni Ihman Esturco, “Gawa tayo ng video.” Akala ko hindi siya seryoso, sabi ko, sino ang magdidirek? Ako raw ang director. After a month, may dala-dala siyang check na one hundred fifty thousand. Sabi niya sa akin, gawin na namin ‘yung Masahista. Bahala na raw ako sa istorya basta huwag kong palitan ang title.”
Paano na-develop ni Brillante ang sarili niyang style sa pagdidirek? “ Self-learning kasi ako, du’n ako na-develop kung ano ang gagawin ko. Du’n ako natuto kung papano gumawa ng independent film kasi I used to work sa production at commercial. Nag-production designer ako sa pelikula at TV, magkaibang mundo ‘yan.”
Memorable para kay Direk Dante ang Masahista na first directorial job niya. “So far, sa mga project ko, Masahista ang umikot sa buong mundo, mga 40 something. Masahista won the major prize in Locarno, Switzerland. “It’s a video competition, it’s my first film and we were the first Filipino to win and first Filipino who entered that festival. And that festival is the second oldest festival in the world. The oldest festival is Venice and the second festival is Locarno. At that time, four years ago, Locarno was fifty eight years old and it’s a Golden Leopard and we won P600,000 for that. Actually, I should have won P1.2 million, ang problema, mayroon akong naka-tie from Canada, pinaghatian namin ‘yung pera but nobody knew that. Hindi ‘yan nalaman dito, and the film went on several festivals all over the world.Until now, pinapalabas siya, hinihingi pa rin siya sa mga festival sa ibang bansa,” pahayag niya.
Confident ba si direk Dante mananalo siya sa Cannes Film Festival that time? “I’m gonna tell you this. You know, I’m always insecure. May insecurity ako, lahat ng mga films ko but with Kinatay, napanood ko siya sa Paris dahil du’n ako nag-final mix, I felt I’m a filmmaker nu’ng makita ko na siya nang buo. I’m not expecting talagang mananalo ako but for the first time naramdaman kong filmmaker na ako.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield