PINALAGAN ni Direk Darryl Yap sa pamamagitan ng kanyang Facebook account ang ilang netizens na nag-aakusa na diumano’y isa siyang pedophile.
“Simula po noong naging matunog ang aking pangalan sa Social Media, lalo na noong makapasok ako sa industriya ng pagpepelikula, samu’t saring mga batikos at pang-aalipusta ang aking dinaranas.
“Madalas tungkol sa aking mga LIKHA, na aking tinatayuan at pinaninindigan dahil ito ang aking BRAND, ito ang aking paraan at atake sa pagtalakay ng mga isyu gamit ang aking hamak na kaalaman. At meron ding mga atake na bagamat nakakapanakit ay hindi ko pinapansin; maraming nagko-comment at post na “pedo” ako.
“I checked, legit accounts, pero I really dont feel offended. Kasi before they could offend me, I have to value their opinions first. PERO NGAYON PO AY UMABOT NA SA PUNTONG INILALAGAY NILA ANG AKING KALIGTASAN, TRABAHO AT PANGALAN SA ALANGANIN,
“Mula sa pag-screenshot ng mga Tweets ko mula sa iba’t-ibang thread at dates, na binigyan nila ng malalaswang pakahulugan hanggang sa pag-eedit na mismo ng mga tweets na hindi naman galing sa akin hanggang sa pagsasabi na AKO RAW AY UMAMIN NA ISA AKONG PEDOPHILE AT PROUD PA AKO RITO — ngayon, ikinokonekta na sa mga article na wala akong kinalaman,” simulang post ng Jowable director.
Hiningi rin ng director ang tulong ng netizen para sa makakapagbigay ng impormasyon at pagkakakilanlan sa mga taong nagpo-post ng mga mapanirang akusasyon laban sa kanya para sa legal actions na kanyang binabalak.
Lahad niya, “Ako po ay humihingi ng tulong sa lahat ng maaabot ng post na ito, lalong-lalo na sa mga sumusuporta at tumatangkilik sa aking mga likha. TULUNGAN NYO PO AKONG MATUKOY ANG MGA TULAD NITONG NAGKAKALAT NG LUBHANG NAKAKAPAMINSALANG PANINIRANG ITO.
“MANGYARI PO LAMANG, ISEND NYO PO ANG SCREENSHOTS NG MGA POST AT PROFILE NG MGA ITO SA [email protected] UPANG MAISAMA SA LEGAL NA AKSYON NA AMING GAGAWIN.
“Bagamat buo ang suporta ng aking mga katrabaho, wala pong makapagsasabi kung hanggang saan ang pinsala nito sa akin, as a person and as an artist, kaya nararapat na magbayad ang mga ito.”
Ayon pa kay Direk Darryl, ang ginagawa sa kanya ay isang cyber crime at personal attack.
“Hindi po nare-realize ng mga mangmang na ito na sa kanilang walang habas na pagkokonek sa akin sa salitang “pedophile” ay hindi lamang nakakasira ng aking pangalan, kundi nakakapagpalala sa sitwasyon ukol sa ganitong malaswang gawain dahil una, HINDI TOTOO at pangalawa ay GAWA-GAWA ng mga walang magawa para mapigilan ako sa paggawa ng aking mga likha.
“THIS IS AN ELABORATE CYBERCRIME,
A PERSONAL ATTACK,” pagdidiin pa niya.
“Pedophilic disorder is characterized by recurring, intense sexually arousing fantasies, urges, or behavior involving children (usually 13 years old or younger).
“ANG PAGTAWAG O PAGBANSAG PO SA AKIN NA ISANG PEDOPHILE AY ISANG IRESPONSABLENG GAWAIN NA NAKAKAPINSALA HINDI LAMANG SA AKIN KUNDI MAGING SA TOTOONG LABAN UPANG MAPUKSA ANG GANITONG PANG-AABUSO.
“Matagal ko nang dinepensahan ang aking sarili; ngunit bumubuo sila ng bagong issue upang magmukhang totoo.
“I AM NOT A PEDOPHILE. I NEVER ABUSED CHILDREN. I NEVER ADMITTED SUCH. AND BEING TAGGED AS ONE IS VERY HARMFUL NOT ONLY TO ME BUT TO THE CONCERNED SOCIETY,” paglilinaw pa ng director.
Dagdag niya, “If we continue misusing these loaded labels we are doing an injustice not only to children, but to diagnosed pedophiles who want help and have NO desire to cause harm.
“Educated discussions about who actually sexually abuses children and why is absolutely imperative to ensure the prevention of child sexual abuse. Throwing false accusations and spreading misinformation will just weaken any campaign against it.”