Kaunting panahon na lang, maipo-proclaim nang official winners sina President BBM, VP Inday Sara at ang mga senador na nakapasok sa “magic 12.” Syempre, winner din ang majority ng taumbayan na sumuporta sa Uniteam. Bukod sa kanila, panalo din syempre ang mga artista at influencers na nagkamal ng mga raket, isama pa ang ad agencies, socmed platforms, printing businesses, TV and radio stations, at iba pang industriya na kumita nang malaki.
By far, isa na marahil ang 2022 elections sa pinaka-divisive at hotly contested elections sa kasaysayan ng bansa. Maraming relasyon at pagkakaibigan ang nasira. Makalat, maingay, marubdob. Pero pasasaan ba at maghihilom din ang lahat at mananaig ang pagkakaisa. Pero sino nga ba ang biggest winner sa 2022 elections na ito? Ibubulong ko sa inyo, later.
𝐌𝐞𝐦𝐞 𝐖𝐚𝐫𝐬 𝐚𝐭 𝐎𝐧𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐁𝐚𝐫𝐝𝐚𝐠𝐮𝐥𝐚𝐧
Habang nagsasabong ang mga kandidato sa loob ng 90 days ng campaign period para sa national elections, meron ding digmaang nangyayari sa social media mula sa magkakasalungat na kampo. Sa Facebook, Twitter, Instagram, Youtube at Tiktok, umusbong ang tinatawag na 𝘮𝘦𝘮𝘦 𝘸𝘢𝘳𝘴.
Bukod sa meme wars at online bardagulan, meron din hashtag wars. Kung may #KulayRosasAngBukas ang LeniKiko, may #PulaAngKulayngRosas ang Uniteam. Kung may #LetLeniLead, meron ding #LetLeniLeave. Kung may #KayLeniTayo, meron ding #KayLeniTalo.
Kanino ka man nakataya, di maikakaila that the election season brought out the brightest and wittiest in Filipinos. Pero sa meme wars na ito, sino nga ba ang pinakalumutang? Out of all the FB pages, Youtube and Tiktok channels, kanino nga bang content ang pinaka-angat, gumawa ng pinakamalakas na ingay, at nagdeliver ng pinaka-convincing na mensahe?
Hindi ako ang sasagot nyan, let the numbers speak for themselves.