With 80 million combined FB and YT views, a lot of people will agree na ang LenLen series ni Darryl Yap at ng Vincentiments ang pinakanagpayanig sa mundo ng internet nitong nagdaang campaign season.
Fan ka man o hater ng batang direktor na si Yap, di maitatangging he is a gamechanger at provocateur and nobody in the other camp could match nor stop him. In fact, sa sobrang influential ng LenLen series, it has spawned a movement from the other camp–yung #AkoSiLenLen. Meron ding umusbong na mga parody at reaction contents from all corners of the cyberspace.
At ito ang malupit, sa sobrang sikat ng LenLen series, even the camp of VP Leni placed political ads sa mga video na ito. Bongga. And because of this, Darryl Yap easily became the most hated person by kakampinks and other rivals.
Kung si Toni Gonzaga at Andrew E ang king and queen of grand rallies, si Darryl Yap naman ang kingmaker sa online world. Kung napapaindak nina Toni G at Andrew E ang physical crowd, si Darryl Yap naman ang bahala sa paghype at pagyugyog sa virtual audience with his irreverent humor, quick-witted comebacks, at biting sarcasm, on top of his consistent contents: LenLen series, Kape Chronicles, Baby-M, etc.
Kung icocompile lahat ng personal posts at musings ni Direk Darryl, pwedeng pwede na itong isalibro. Suggested title? Direk Daks: Mataba ang Utak.
𝐅𝐫𝐨𝐦 𝐃𝐢𝐫𝐞𝐜𝐭𝐨𝐫 𝐭𝐨 𝐏𝐨𝐥𝐢𝐭𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐎𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐨𝐫
January 2022 nang iannounce ni Direk Darryl ang leave of absence nya sa Viva Films para makapag-focus sa BBM-Sara campaign. Not long after, he also started to promote his lone senatorial bet, si #JingggoyCutie. IMHO, if not for this unorthodox #JinggoyCutie campaign, mahihirapan si Jinggoy na panghawakan ang 12th spot. Malamang, sya ang “mababatukan” ni Herbert sa pwesto.
In the advent of social media, marami sa mga tumatakbo sa national post ang mas nag-invest na sa online campaign against traditional advertisement. Why not? Mas mura, walang running time limit, mas malaya sa tema at sa lenggwahe, mas may puwang sa artistic freedom. And when we talk about artistic freedom, no one else maximizes it better than the jowable director.
Saan ka nakakita ng Facebook series na topbilled ng isang incumbent senator? Saan ka nakakita ng senatorial ad na gina-glamorize pa ang pagkakakulong? All of these might be considered taboo sa traditional PR playbook. Ang playbook na ito ay matagal nang sinunog at tinapon ni Direk Darryl sa basurahan. Meron syang sariling diskarte na wala sa user’s manual. Meron syang sariling atake na wala sa 𝘈𝘳𝘵 𝘰𝘧 𝘞𝘢𝘳.
While traditional PR minds would think of ways to rebrand Jinggoy at i-censor ang pagkakakulong nya, Darryl Yap insisted to do the opposite, which is to normalize it. Normal lang ang makulong, pero “hindi maikukulong ang pusong ang tanging hangad ay tumulong” as the Jinggoy cutie jingle asserts. “Kapag binabato ka ng putik, saluhin mo, gawin mong palayok na sisidlan ng pagkaing igaganti mo sa taumbayan,” Darryl Yap quips.
Sa isang private message, inamin sa akin ni Direk Darryl kung magkano ang rate nya per video content at per contract na deretsong si Boss Vic ang nagdedecide; Nashock ako. Pero hindi ko na lang ichichika dito. Nevertheless, it’s worth the price naman. At dahil sa landslide victory ng lahat ng minanok nya this 2022, hindi malayong mas dadami pa ang kliyente at mas tataas ang rate nya sa susunod na midterm election sa 2025. Until then, let there be healing, let there be unity. At subukan nating isabuhay ang advice ni Direk at ng Vincentiments:
Huwag kang masyadong maoffend today. Move on and make your own mark.