Ang pelikulang Finding You ng Regal Entertainment na pinagbibidahan nina Jerome Ponce at Jane Oineza ang directorial debut bilang film maker ni Direk Easy Ferrer. Palabas na ngayon (May 29) ang pelikula at nagkaroon ito ng successful red carpet premiere nitong Lunes, May 27 sa SM Megamall.
Positive ang feedback sa pelikula. Maganda raw ang pagkakalahad nito at okey din pati na ang technical na aspeto.
Graduate ng UP si Direk Easy ng kursong B.A Film na naging stepping stone niya to pursue his dream na maging director.
“When I entered Star Cinema, nung nag-creatives ako sa kanila and after I did the workshop with Sir Ricky Lee (scriptwriting workshop), ang goal ko na talaga ay maging director,” kuwento pa niya.
Hindi naman sinasadyang sa Regal siya nabigyan ng break maging filmmaker.
Aniya, “Hindi naman po ako actually namimimili. Kung ano lang yung opportunity na dumating, kung sino po yung nagbigay ng chance, yon po.”
Kahit baguhan, ramdam ni Direk Easy na nirespeto siya ng kanyang mga artista sa Finding You.
“Kahit first time ko mag-movie, may respect sila, very collaborative sila. May communication na nagaganap. Pupunta sila sa set na prepared.
“Nakatrabaho na rin naman sina Jane at Jerome before sa teleserye, so from there hindi nagkakaroon ng friction. Wala akong na-feel na ida-doubt ko yung ginagawa ko, kasi lahat sila nirerespeto nila yung vision, alam nila yung vision ng pelikula ko,” kuwento pa niya.
Ikinokonsider din niyang baptism of fire ang nangyari sa kanya sa Finding You.
“Yung difficulty doing the movie ang kinokonsider ko talagang baptism of fire sa akin. Na ganito pala sa set, ganito pala ang totoong… Difficulty siya in away pero masaya ako na nalampasan ko siya at nagawa ko siya. Masaya ako sa kinalabasan ng pelikula,” proud pa niyang pahayag.
La Boka
by Leo Bukas