THROUGH THE Film Investment Program of the Film Development Council of the Philippines (FDCP), twelve master directors of local cinema shall be awarded cash grants (P 1.5 million each) to fund their respective feature films, utilizing their own material, with their hometowns as backdrop for the Sineng Pambansa National Film Festival All Masters Edition on September 7, 2013.
Kasama sa twelve master directors ay sina Elwood Perez (Proserpina de Manila), Romy Suzara (May Tinik ang Huwad na Bulaklak), Jun Urbano , Gil Portes (Crossroad), Maryo J. de los Reyes (The River), Peque Gallaga & Loren Reyes (Sonata), Mel Chionglo (Lorenzita), Chito Roño (Badil), Tikoy Aguiluz (Eman), Joel Lamangan (Lihis), Carlito Siguion-Reyna, and Jose Javier Reyes. Sa title pa lang, may mystery agad sa bawat istorya ng kanilang pelikula. Ikinatuwa ng entertainment press ang magandang layunin ng FDCP na muling pasiglahin ang movie industry. Makagawa ng mga makabuluhang pelikula at mabigyan ng recognition sa ibang bansa.
Si Direk Elwood Perez, almost 10 years namahinga sa paggawa ng pelikula. This time, nakaiintriga ang comebacking movie ng dating box-office director ng Regal Films. Kakaiba ang kanyang Proserpina de Manila, istorya ng isang ambidextrous, aging author who invokes his muse to surmount writer’s block na pagbibidahan ni Ms. Amalia Fuentes. Kahit may katabaan, may mga movie offer at soap din na tinanggihan ang dating movie queen. Katuwiran nito, hindi na niya kailangang magtrabaho. She’s enjoying her life. Pero nang pakiusapan siya ni Direk Elwood na magbalik-pelikula at nang mabasa nito ang script, sobrang na-in love si Amalia sa role na kanyang ipo-portray. Bigla itong na-excite at kinakarir ngayon ang pagda-diet.
Maging si Direk Elwood ay choosy sa mga movie project na ino-offer sa kanya. Palibhasa wala nang dapat pang patunayan. Naging box-office director at best director ng iba’t ibang award-giving bodies ng kanyang henerasyon. As a director, masyadong metikuloso, mabusisi sa lahat ng aspeto si Direk Elwood lalo na pagda-ting sa kanyang mga pelikula.
Say niya, “Ganu’n talaga ako, kailangang bantayan, movie ko ito. Ayaw kong mapintasan kaya maging sa editing, nakatutok ako.”
Sa totoo lang, money-maker si Direk Elwood ng Regal Films. Halos lahat ng pelikulang ginawa niya kay Mother Lily ay patok sa takilya. Binigyang-linaw nito ang tsika na magastos siyang gumawa ng pelikula kaya ngayon walang producer na gustong kumuha sa kanya. Maging si Madera ay nadala na ring bigyan ito ng movie project.
Paliwanag niya, “It’s not true, you can ask Mother Lily, Boss Vic (del Rosario), ilang pelikula ang nagawa ko sa Viva Films na natapos ko lang ng 15 days, tuluy-tuloy ‘yung shooting. Concentrate lang ako sa isang pelikula. May movie nga akong gagawin kay Boss Vic after this movie with Amalia. Kung nagkakaproblema sa production, wala sa akin ang problema. Kung minsan, ‘yung availability ng mga artista, hindi nagtutugma-tugma ‘yung schedule nila kaya nadi-delay ang shooting. Maraming dahilan, hindi porke kami ang director, sa amin isisisi kung bakit hindi agad natapos ang pelikula.”
Nakausap din namin si Direk Maryo J. Sinabi nito ang mga memorable film na ginawa niya in the past tulad ng Magnifico. Nang dahil sa international recognition, nakapag-travel siya in different places abroad. ‘Yung Annie Batungbakal, naging magkabarkada sila ni Nora Aunor noong mga panahong ‘yun. They have fun on the set habang nagsi-shooting. Bagets with Aga Muhlach, Naglalayag nina Ate Guy at Yul Servo. My Other Woman at ang controversial bold film na Laman.
“Kinastigo kami ni Mother Lily dahil hindi maipalabas ‘yung pelikula, double X. Napaka-ipokrito ng Pilipino. So, I shifted to heart warming, ‘yun nga ang Magnifico,” pagbabalik-alaala ni Direk Maryo J. sa nakaraan.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield