PINASILIP SA amin ni Direk Erik Matti ang ilang eksena sa pelikula niyang Tiktik: The Aswang Chronicles na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes sa PostManila, Makati. Eighteen months in the making bago ito nabuo on the big screen. Mahabang proseso bago ito naisakatuparang maging pelikula ng grupo ni Direk Matti, ang Reality Entertainment na binubuo ng mga kapwa niya director. Kay bilis natapos ang 20 minutes na patikim sa amin ni Direk, nabitin tuloy kami dahil sa ganda ng kanyang pelikula.
Matagal nang project ito ni Direk Matti, seven years ago nang mag-usap sila ni Dondon Monteverde (Regal Films) about the aswang story. Sinabi niyang makabago sa paningin ng manonood, commercial, cinematic,with heart and very Pilipino. ‘Yung bang tata-tak sa isipan ng manonood. Magi-ging classic film at signature film ito ni Direk Erik Matti. 20 months in the making, 5 months prep work research, design, auditions, tests and set building. There were no delusions of grandeur as to making it the best aswang movie there is. No such arrogance. “Gusto ko lang gumawa ng pelikula na ako mismo, gusto ko siyang panonoorin,” say niya.
Ikinuwento ni Direk Matti na nag-usap uli sila ni Dondon (December 2010). Naging interesado na itong gawin ang project niyang Tiktik. Hindi naging madali sa magaling na director na bumuo ng cast na babagay sa bawat character ng kanyang pelikula.
“Unang naisip namin si Robin Padilla para sa role ni Makoy, pero marami kang dapat i-consider kapag siya ang kinuha namin. Kung si John Lloyd Cruz naman, ang dami mong kakausapin. Nand’yan ang Star Magic, Star Cinema, marami kang pagdaraanan. So, si Dondon ang nag-suggest na bakit hindi namin subukang kunin si Dingdong Dantes na bagay naman for the role. This time, naiibang character ang gagampanan niya (anti-hero). Malayo sa mga role na madalas niyang gampanan sa pelikula at telebisyon. “A character we can call someone we love to hate. Walang masama kung good guy leading characters ang madalas gawin ng bida. But I feel that anti-hero is more satisfying and memorable in a genre where it can fit perfectly,” pahayag ng director ng Tiktik.
Agad nag-set ng meeting sina Direk Matti at Dondon kay Dingdong. Nang ikuwento nila ang istorya ng aswang, hindi naging mahirap sa kanila para tanggapin ng actor ang project. Katunayan nga, isa rin si Dingdong sa producer ng Tiktik. Excited nga nitong ikinuwento sa press people kung gaano kaganda ang movie niya with Direk Matti. Labis ding ikinatutuwa ni Direk dahil puro swak sa bawat character ang ginagampanan nina Joey Marquez, Janice de Belen and Lovi Poe bilang pamilya. Ilang beses na ring gumawa ng mga horror films ang mga ito na pawang blockbuster sa takilya. Bagay na bagay kay Roi Vinzon ang role bilang hari ng mga aswang.
“I am proud with cast we put together on this. More than the main family with Dingdong, the aswang casting is equally well thought out,” pagmamalaking sabi ni Direk Matti.
Ipinakita rin ni Direk Erik kung papaano nila ginawa ang pelikula. “The film was to be shot on green screen. Shot on a 2000 square meter warehouse that we converted into a studio. Gusto naming makita how technology can help a movie look better, feel better and be told better,”paliwanag niya.
Malaki nga ang naitutulong ng technology sa movie industry lalo na sa mga pelikulang tulad ng Tiktik: The Aswang Chronicles. Ibang klase ang texture, parang foreign films ang dating. Pati mga extras, tunay na mararamdaman mong bahagi sila ng pelikula.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield