May paliwanag si Direk Erik kung bakit 1947 ang setting niya para sa 2016 Metro Manila Film Festival lone horror film na “Seklusyon” starring Ronnie Alonte, Dominic Roque, JR Versales and John Vic de Guzman.
Ayon sa magaling na director, “‘Pag ngayon kasi, parang may new technology na, ‘di ba? Tapos medyo matao na ‘yung lugar. We wanted a really strong isolated na feeling, ‘yung parang isolated ‘yung mga tao na involved sa kuwento. At the same time, we were looking for an event wherein ‘yung kuwento ng demonyo, lumakas.
“So naisip namin, right after ng giyera, everyone, even the church is having doubts about sa kanilang faith at ‘yung presence ng God, kasi nanggaling sila sa napakalaking giyera. So, parang the church is also in rebuilding itself sa time na ‘yon. So, it leaves open to questions of ‘has God abandoned us or is God going to be there for us even after the war’? Pero backdrop lang ‘yon ng kuwento,” sey pa ni Direk Erik.
Samantala, sinagot din ng director kung bakit puro baguhang actor ang pinili niyang magbida sa “Seklusyon”.
“Itong project na ito nu’ng naisip naming gawin. nag-isip talaga kami if we could gather a group of actors that we could support and launch. Kasi ang hirap din ngayon with everyone owning all the talents, ‘di ba?
“Ang hirap maghanap ng time for the talents, ang hirap maghanap ng schedule. So, we wanted to find actors that we could maybe use for other films, maybe discover a new talent, discover some new faces for the industry,” katuwiran pa niya.
La Boka
by Leo Bukas