ANG PAGGAWA ng rain effect at ng magiging itsura ng tikbalang sa pelikulang Ulan ni Nadine Lustre ang ayon kay Direk Irene Villamor ang naging malaking hamon para sa kanyang production team.
“Our tikbalang took 3 (look) tests just to decide on what is best,” sabi pa niya.
Ang una raw na kanilang naging konsiderasyon ay, “Sino ba ang nakakita na ng tunay na tikbalang? Di ba si batang Maya? So ano itsura no’n?”
Maya ang name ng character na ginagampanan ni Nadine sa Ulan.
Hanggang nakahanap sila ng inspirayon sa mga artisano na gumagawa ng paper mache sa Pila, Laguna kung saan sila nag-shoot ng pelikula.
“We decided on that look and acknowledge the crudeness and the innocence of it all,” dagdag pa ng lady director.
Grateful and proud naman si Direk Irene na maipalabas ang ganitong klaseng pelikula sa mainstream.
Ayon sa kanya, “Hindi biro ang sugal ng VIVA (for producing) and N2 (for line producing)… We were doing something different… I have all these people in the production na kakapit-kamay at laging susubok at hindi takot magkamali – my staff and cast.”
Ang Ulan ay produkto ng labis na pagmamahal at pagsisikap sa trabaho. Kasama sa team ang award-winning cinematographer na si Neil Daza.
Samantala, ang ‘90s classic song ng Rivermaya na “Ulan” ay ni-revive ni Janine Teñoso bilang official theme song ng pelikula.
Kapartner ni Nadine sa Ulan na showing na on March 13 si Carlo Aquino.
La Boka
by Leo Bukas