BAGO NAGING director si Jerome Pobocan, he won the third season in alternative film festival grand prize in La Salle. Maging ang episode niya sa MMK ay nanalo rin sa Shanghai TV Festival. At the age of 40, marami nang na-achieve ang magaling na director. This time, susubukan sa box-office si Jerome as a film director sa Born to Love You nina Coco Martin at Angeline Quinto ng Star Cinema.
Kay Direk Jerome nag-start i-launch sina Anne Curtis at Heart Evangelista sa Hiram. Si Matt Evans sa Pedro Penduko. Kim Chiu-Gerald Anderson loveteam sa Sana’y Maulit Muli. Kathryn Bernardo and Julia Montes sa Mara Clara at Melissa Ricks sa Nasaan Ka, Elisa?.
Paano nga pala nabuo ang tambalang Angeline-Coco? “Ang pagkakaalam ko, malakas ‘yung kilig ng tao nang mag-guest si Coco sa concert ni Angeline, kung saan nagbigay ng necklace si Coco. After that guesting, nakita ng ABS-CBN management na may potential because kinakikiligan ng mga tao. Why not try a movie? Ako nga po, nu’ng unang sinabi sa akin, sabi ko, ‘she’s a singer not an actress’,” bungad na tsika ni Direk Jerome.
Hindi kaya sinadya ‘yung pag-guest ni Coco sa concert ni Angeline para makita ng management kung may chemistry ang dalawa? “Kasi, si Angeline nu’ng mga nauna niyang concert, iniiba-iba niya ‘yung lyrics, ‘di ba? ‘Kunin mo na ang lahat sa akin, huwag lang si Coco Martin’. Crush kasi niya si Coco, kinikilig ang mga tao, until ganu’n, sige, guest nga namin si Coco, na-surprise si Angeline. Lalong na-ano ‘yung mga tao,” paliwanag niya.
Hindi ba nagdalawang-isip si Coco na maging kapareha niya si Angeline dahil nga baguhan? “Si Coco kasi, he believes in the project. Naniwala siya sa pulso na nakikita ng management. So, ‘yun po kaya nag-partner ang Cine Media at Star Cinema, bakit hindi i-pair ‘yung dalawa? Atin naman sila pareho. Kung naaala ninyo noon, kasikatan ni Boyet (de Leon), lahat ng inilo-launch, ikinakabit sa kanya. So, ang feeling ko, parang nagiging ganoon si Coco ngayon.”
Sa pananaw ni Direk Jerome, hindi kaya makaapekto ang TV tandem nina Coco at Julia Montes sa Walang Hanggan sa tambalang Coco at Angeline? “Siyempre, mayroong factor kaming naiisip pero ang paniniwala namin, iba ‘yung pelikula sa telebisyon. Pangalawa, Coco was not launch… hindi siya loveteam. Hindi siya Guy and Pip, Kim-Gerald. Pineyr siya for a project so, people know Coco as an actor.”
Malaki ang paniniwala ni Direk Jerome na kaya ni Coco na magdalawa ng kanyang leading ladies. “May kakayanan siya, pero siyempre, depende rin sa chemistry na mapapanood with her leading lady. Kung may kakayanan kang magdala, pero kahit dalhin ko ‘yun at wala, wala. It’s just so happen na nakitaan namin ng spark,” pahayag niya.
Inamin ni Direk Jerome na may kaba siyang nararamdaman sa papalapit na showing ng pelikula nila nina Coco at Angeline. “I have may apprehension. Unang-una, hindi ko nasubaybayan ang ‘Star Power’ ni Angeline. Alam ko lang na may nanalo, Angeline Quinto ang pangalan. Alam kong maputi siya, hindi ko pa siya nakikita. Hindi siya stunning beauty.”
Punchline nina Angeline at Coco na tatatak sa isipan ng manonood? “‘Eto ang linya. ‘Ano ba tayo? Pinisil-pisil mo ang kamay ko. Magkayakap tayo buong magdamag, tapos walang lang ‘yun, ano ba tayo?’ Inaalam niya sa lalaki kung ano ang status nila. Sa panahon ngayon, hindi na ‘yung si lalaki gusto si babae, hihintaying manligaw. Ngayon ang babae, gusto kita. Hindi siya nanliligaw, tipong open siya, kaya sa pelikula, makikita ninyo ‘yung character nina Coco at Angeline,” aniya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield