HITLER KUNG TAWAGIN ni Snooky Serna ang direktor na si Joel Lamangan. Huwag naman daw masamain ng direktor ang naitawag na ito ni Kukay sa kanya dahil nga sa experience ng pagtatarabaho nila sa Dukot, at ngayon, Direk Joel was left with no other choice but to keep Snooky in the cast of Pamilya Sagrado. Hindi lang talaga sanay si Kukay sa mga direktor na nagtataas ng boses, pero ‘yung pagiging madetalye at mabusisi ni Direk sa trabaho, ‘yun naman ay naa-appreciate ng aktres.
Kino-consider na ang ibang artista para pumalit kay Kukay sa Pamilya Sagrado. Hindi nagustuhan ni Direk si Rosanna Roces dahil hindi raw ito mukhang mabait at virginal for the role. Si Aiko Melendez naman daw ay tumangging gumanap ng mother role lalo kung ang anak ay kasing-edad na ni Lovi Poe. Huwag naman daw sana siyang patandain agad.
“Naku, kaysa magkaproblema sa casting, ibigay na lang ulit ‘yan kay Snooky!” Tili ni Direk Joel. Katuwiran ni Direk, ayaw rin niyang i-deprive si Snooky ng pagkakataon para sa isang napakagandang role. Naa-appreciate naman ito ng aktres at napagtanto niyang very forgiving naman pala si Direk.
KANYA-KANYANG PAGRESPETO na lang siguro sa opinyon ng iba ang ipinupunto ni Freddie Aguilar. Yumanig kasi sa marami ang sinabi ni Ka Freddie na nagbibigay raw sa justification sa minsang tinuran ni Mariah Carey na diumano’y mga “unggoy” ang mga Pinoy na nanggagaya lang.
Sa pagkakaalam namin, hindi kumpirmadong nagsalita ng ganito si Maria Carey na ang tinutukoy na “brown monkey” noon ay si Regine Velasquez. May nakapagsabi sa amin noon na ito’y publicity ploy lamang ng mga namamahala sa career ni Regine para pagmukhaing api ang Asia’s Songbird at the expense of an international singer as great as Mariah.
Anyway, pinaninindigan naman ni Ka Freddie ang sinabi niya dahil, in some points, naniniwala rin kaming karamihan ng local artists ay walang originality. Ginagawa rin nila ito para mapansin sa ibang bansa, gaya ng pagkakahalintulad ni Gary Valenciano kay Michael Jacksoon noon; kay Charice na napansin nina Ellen Degeneres at Oprah Winfrey dahil sa estilo nitong kakabog sa maraming foreign acts; at kasama rin nga sa nabanggit si Arnel Pineda ng rock group na Journey.
Pero, mahirap kuwestiyunin ang estilo nila at sabihing wala silang sariling identity. Gary has proven that so many times with his string of enormous OPM hits. Si Arnel Pineda, hindi naman tinalikuran ang pagka-Pinoy at si Charice ay nagsisimula pa lamang at nagkataong napansin siya dahil sa pag-awit sa banyagang estilo.
Naiintindihan din namin si Ka Freddie. Through the years, patuloy na nirerespeto ang pangalang Freddie Aguilar sa local music industry, maski sa international scene dahil hindi siya nakilala sa pagre-record o pagpe-perform ng cover versions lang.
Kung ang “Anak” nga naman niya ay isinalin sa napakaraming lengguwahe, bakit hindi ‘yun ma-achieve ng iba kung totoong tatak-Pinoy na pupuwede ring tularan o hangaan ng mga banyaga ang kanilang estilo?
Calm Ever
Archie de Calma