“I AM not retiring! Hindi ako magre-retire sa pagdidirek!” Ito ang paglilinaw ng batikang director na si Joel Lamangan patungkol sa ilang mga nasulat na pagkatapos niyang atakehin kamakailan lang ay hihinto na siya sa paggawa ng pelikula.
“Mali ang balita, hindi ako magre-retire, ‘no? Ang daming offer, babalik pa ako sa Sugo, may gagawin pa ako sa TV, may special soap pa, tapos ngayon magdi-direk pa ako nitong Sekyu ni Allen Dizon. So, paano akong magre-retire? Sayang ang datung, ang laki ng nagastos ko sa ospital,” natatawang pahayag ng magaling na director.
Ayon pa sa kanya, hindi naman heart attack ang nangyari.
“Inatake ako, pero hindi naman tumabingi ang mukha ko, hindi rin ako naparalisa. ‘Pag tingin ko sa salamin, maganda pa rin ako, hindi ako nakaganu’n (nakangiwi).
“Ang inatake sa akin ay ‘yung cerebellum. ‘Yung cerebellum ang nagkokontrol sa ating balanse. Nawalan ako ng balanse. Hindi ako nakakatayo. Sabi ng doctor, ‘Ay naku, it will take time.’ Tapos baka isang taon daw bago bumalik ‘yung pagbalanse ko.
“Sabi ko, ‘Ay hindi, ayoko!’ Naging definite ako na kailangan kong tumayo kasi ayokong pinaliliguan, ayoko ng dinadala sa banyo, ayoko ng ganu’n. So, sinabi ko sa sarili ko na ‘Hindi, after four days, tatayo ako,’ kaya ‘yon, after four days, tumayo na ako,” kuwento pa niya.
Two weeks na na-confine sa hospital si Direk Joel but he’s okey now.
La Boka
by Leo Bukas