SINABI NI Joyce Bernal na matapang ang film adaptation ng bestselling book ni Ramon Bautista na Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? nina Kim Chiu and Xian Lim. Banat ni Direk, Nahirapan ako Nang kaunti para ilabas ‘yung katapangan dahil Star Cinema movie ito. Love story pa rin ang gusto nila. Siyempre, I’m on Ramon side, ‘yung pagkatao ko. Bastos ako, epal, ganu’n. So, ‘yung part na ‘yun. pero ‘yung kabuuan, the kick is still there. The fun, the sakit, ‘yung totoo, nandu’n pa rin ‘yung sandata.”
Inamin ni Direk Joyce na nahirapan siyang idirek si Xian kahit artista niya ito. “Nahirapan ako nearly on the fact na marami ang nagsasabi na hindi siya magaling umarte. Ang daming judgement on him. Nahirapan ako, the fact na pressure na pressure na ako. I want him to relax. Hindi siya gagawa ng pelikula kung hindi siya magaling… Kung hindi ka magaling, hindi ka magaling. Hindi ko kayang ibigay ‘yun. Napatunayan ko, he’s natural. Hindi siya magaling umarte behind na hindi niya kaya. So, musikero siya, be yourself. Marami na kasing nagsasabi, how he will be. Hindi ko lang alam kung anong reputasyon ko ang dumating sa kanya.”
Tuloy, nasabi ni Direk Joyce na mas magaling umarte si Kean Cipriano kaysa kay Xian. “Kilala na ni Kean ang sarili niya, confident. Si Xian, nag-struggle siya kung sino ‘yung ipapakita niya. Pinupuntahan na namin siya sa soap to be real, huwag siyang matakot. Takot na takot siyang magpakita ng totoong siya baka kasi may judgement,” paliwanag ng box-office director.
Ibig kayang sabihin ni Direk Joyce, hindi pa lumalabas ang totoong Xian Lim? “Lumabas naman, very very light. Actually, gusto ko siyang idirek, hindi siya mayabang na tao. Pinapagalitan ko siya, mayroon siyang gustong gawin, nand’yan siya parati. Masipag siya, gusto niyang maniwala ang tao after this movie,” tugon nito.
Kapani-paniwala naman kaya ang ipinakitang character ni Xian sa movie? “Basta buksan ninyo lang, try lang. Kung naapektuhan ako ng judgement kay Xian, siguro pangit ‘yung lalabas on the character niya,” simpleng sagot ni Direk Joyce.
Ayon kay Direk Joyce, hindi mag-dyowa sina Kim at Xian. Walang bakas na may MU ang dalawa, pero may kilig factor naman daw ang tandem nila. “I think, their good friends, may kilig naman. Si Xian, totoo siya, hindi siya puwedeng mag-go over nang sobra kasi sasabihan din siya. Hindi siya puwedeng sumobra, alam niya kung hanggang saan lang.”
Tuloy, napag-usapan ang questionable gender ni Xian kung beki nga ba ang binata? “Hindi bakla si Xian. Isa ‘yun sa nakararating sa akin. Siyempre, I’m not out there to prove to anyone na ano… ganu’n siya. Pero mag-isa siya, umaarte siya, naiintindihan ko siya on that part. May mundo siya na ganu’n. ‘Yung song niya tungkol sa paghihintay. Tungkol sa matagal na pag-ibig, parang ganu’n. Kumbaga, malungkot yung kanta niya so, ‘yun,” diretsong sabi ni Direk Joyce.
Kahit seryosong nakapag-usap na sina Direk Joyce at Xian, hindi raw ganu’n kadali sa binata para mag-open up ng mga bagay tungkol sa kanyang personal life. “Light lang, siguro takot. Feeling ko, ang major fear niya, to be accepted talaga. Hindi siya Piolo Pascual, hindi siya ganu’n. Wala akong assurance pero gusto ko siyang tirahin… “
Sex, sundot na tanong namin kay Direk Joyce? Bakit, hindi puwede ? “Wala. Pangit, nakakadiri. Ang ibig kong sabihin, ganu’n kasi ang proseso. Gusto mong tirahin ‘yung artista lalaki,” makahulugang sambit ni Binibining Joyce.
Ito ‘yung flavor na gusto kong love story, matapang, medyo may pagka-UP. Du’n ako nakare-relate sa love story ng taga-UP.”
Ano’ng masasabi ni Direk Joyce kina Kim and Xian as love theme? “Si Kim ‘yung nagdadala ng chemistry kasi she lights-up the tandem. Si Xian kung ano lang ‘yung puwede niyang ibigay kasi nandu’n ‘yung respeto. He doesn’t go over board.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield