HINDI usual na Pinoy psycho-thriller movie ang Nuuk. Sa setting pa lang – Nuuk, Greenland – ay kitang-kita na ang kakaibang color and texture ng pelikula.
Ang Nuuk ay isang bansang nababalot sa nyebe na sumasalamin din sa tema ng pelikula — malamig, malabo, puno ng misteryo — kung saan iilan lang ang mga nakatirang tao at may pinakamataas na suicide rate sa buong mundo.
Bida sa Nuuk sina Aga Muhlach at Alice Dixson at ang pelikula ay mula sa direksyon ni Veronica Velasco.
Sa pelikula, ginagampanan ni Aga ang karakter ni Mark Alvarez, isang misteryosong Pinoy na naging mabuting kaibigan sa kapwa Pilipinong si Alice Dixson who is playing the role of Elaisa Svendsen.
Si Elaisa ay isang Filipina immigrant in Nuuk na kasal sa isang Danish guy na namatay na. Naiwan sa kanya ang teenager son na si Karl at para malabanan ang kalungkutan ay naging dependent siya sa alcohol and drugs.
During the process of mending her broken heart ay nakilala niya si Mark who is also fighting the loneliness of living alone in a cold, isolated and far-away city.
Naging magkaibigan ang dalawa, naging komportable at nakapalagayang loob ni Elaisa si Mark at di nagtagal ay nagsimula na silang umibig sa isa’t isa.
Ngunit magiging palaisipan ang lahat matapos madiskubre ni Elaisa na tanging siya lamang ang nakakakilala at nakakakausap kay Mark. Hanggang madiskubre niya ang lihim at intensyon nito kung bakit gustong mapalapit sa kanya at sa anak niyang si Karl.
Towards the end of the movie ay mare-reveal ang plano ng karakter ni Aga at ang krimeng kanyang ginawa para ipaghiganti ang kamatayan ng kanyang 16-year-old daughter na nag-commit ng suicide.
Mas naging depressing pa ang sumunod na pangyayari dahil maging si Aga ay nag-commit din ng suicide habang nasa gitna siya ng dagat. Si Alice naman ay na-confine sa isang hospital dahil sa depresyon.
Mahusay ang pagkakadirek ng Nuuk at maging ang acting ng mga bida dito. Bagama’t medyo depressing ang ending ng pelikula ay maayos naman itong nailahad. May moral lessons din na matututunan sa movie lalo na ang parents at mga teenagers na dumadaan sa depresyon.
Ilan sa mga nakita naming nanood ng premiere night ng Nuuk ay si dating QC Mayor Herbert Bautista, Donita Rose at Direk Joyce Bernal.
Hindi napigilan ni Direk Joyce ang mapamura sa ganda ng pelikula. “Put__in_ ang ganda. Magsisisi kayo kapag hindi ito ito napanood,” sey pa niya.
Ayon naman kay Aga, ginawa niya ang Nuuk ppara maiba naman. “Something new, para iba-iba ang ginagawa ko, ” sey pa niya.
Palabas na ang Nuuk ngayon sa mga sinehan mula sa Viva Films.