NAKAKATUWA SI Direk Lino Cayetano na ngayon ay congressman, dahil siya talaga ang nag-i-insist na sana’y me once a month get-together siya with the selected members of the press. Alam ni Cong. Lino na malaking bahagi ng kanyang panalo bilang kongresista ang mga press, kaya gusto niyang laging nakikita ang mga ito.
“Dati, sa mga teleseryeng dinidirek ko, mas gusto kong behind the camera lang ako, dahil hindi naman ako artista at mas gusto kong ang mga artista ko ang nae-expose. Pero ngayong government official na tayo eh, iniisantabi ko na muna ang hiya at kailangang marinig din ako ng mga press.”
Right now, priority ni Direk Lino ang job generation, sports, arts and culture (dahil galing nga siya sa entertainment industry) at pagbibigay ng scholarship grant sa mga deserving students.
Gusto niyang isulong sa Kongreso ang pagbibigay ng insentibo sa mga estudyante nationwide tulad sa kanila sa Taguig.
Kahit congressman na si Direk Lino, hindi pa rin niya nakalilimutan ang industriya kung saan siya galing. “Actually nga, gusto kong magdirek ng ‘Maalaala Mo Kaya’, eh. Teleserye, definitely, malabo na. Huli ko na ‘yung ‘Kung Ako’y Iiwan Mo’ at ‘Aryana’, dahil that’s 3x a week taping.
“Saka apat na taon naman akong nagturo ng Film sa UP, kaya sobrang nami-miss ko talaga ang industriya ko. Na eventually, alam kong may maitutulong ako as congressman sa industriya natin.
“Like sana, i-integrate na sa mga teleserye ‘yung isang sangay ng gobyerno na tumutulong sa mahihirap. Like ‘yung bida kunwari, magkakasakit, ipapakita kung paano siya makahihingi ng tulong sa gobyerno.
“O, kaya, isama sa paggawa ng teleserye ang awareness ng tao sa ating lipunan, like paggawa ng mabuti sa kapwa para ma-inspire lalo ang mga kababayan natin to do good deeds sa kapwa nila” tulad sa mga teleserye ng Mexico at ng Brazil.”
Habang tinitingnan namin si Direk Lino, naiinlab kami sa kanya… este, naaaliw kami sa kanya because he dreams big for the entertainment industry, lalo na sa mga kababayan niya.”
And at this point, gusto naming pasalamatan si Direk Lino, dahil hinding-hindi niya nakakalimutan ang mga taong naging bahagi ng kanyang paghihirap hanggang sa magtagumpay sa kampanya.
Siya na kaya ang papalit sa magkapatid na senador balang-araw?
Oh My G!
by Ogie Diaz