Mahilig talaga ako sa mga pelikulang katatakutan. Nitong nakaraang Holy Week, may pinanood akong horror movie about a devil possession na hindi ko tinapos, dahil sa last full show ng pelikula, 8 kaming nanood sa simula na hindi ko namalayan na sa bandang kalagitnaan ng palabas ay ako na lang pala ang mag-isa sa loob ng sinehan. Bigla akong natakot.
May ganun akong feeling na bukod sa akin na mag-isa sa loob ng sinehan, may iba akong mga kasamang hindi ko nakikita na nasa harapan ng puting telon. Parang ‘yong pelikulang horror noon ni Robin Padilla na hindi ko rin tinapos dahil mag-isa ako sa loob ng sinehan. Mas natakot ako sa ganung mga karanasan kaysa sa pinanonood ko.
Bukas, April 6, first day ng showing ng pelikulang “Elemento”, na tulad ng nakaugalian ko, basta first day of showing ay siguradong isa ako sa unang makapanonood.
Isang Pinoy horror movie ang “Elemento” na pinagbibidahan ni Cristine Reyes mula sa direksyon ni Mark Meily. Kuwento ito ng mag-ina na ang anak ay na-possess ng mga “tambal” (tawag sa mga maliliit at maiitim na mga lamang-lupa) na may real life experience naman si Direk Mark noon sa 3 years old niyang anak na ngayon ay 23 years old na.
Ang mga lamang-lupa kasi sa ating kuwentong bayan ay paiba-iba, depende kung taga-saan ka. May mga kuwento rin kasi tungkol sa mga “tambal” na pinapalitan nila ng saha ng saging (trunk ng saging) ang katawan na dinudukot nila ang kasama sa bahay mo hindi mo akalain na hind na pala sila. In short napalitan na.
May kuwento si Direk Mark tungkol sa anak na na noong 3 years old pa lang ito at nag-aaral sa isang pre-school sa may bandang New Manila, may nakikita ang anak niya. May mga nakalalaro noon na sa simula ay ayaw niyang paniwalaan, hanggang sa nagkaroon ng manifestation na may mga pasa nang nakikita sa iba’t bang bahagi ng katawan ng bata.
Interesado ako sa “Elemento”. Knowing Direk Mark na isa namang matinong direktor natin sa industriya at dahil bata pa ay may ibang punto de bista sa isang kuwento na kanyang isasapelikula.
I’m sure mae-enjoy ko ang pananakot niya sa “Elemento”. Hopefully, para hindi masayang ang oras ko.
Reyted K
By RK VillaCorta