ANO BA itong si Direk Mike de Leon, nireregla na ba at pati ang charity ball ng ABC-CBN na isinagawa sa Shangrila Makati ay binatikos?
Sa photo ni Vice Ganda na suot ang magandang gown na gawa ni Michael Cinco with matching korona na mala-Game of Thrones ay pinatungan niya ang text tungkol sa opinion ng nagmamaasim na direktor.
Pagkakasulat niya: ”Many people will not like this question but I have to ask it — in these dark times of murder and hunger, who really needs the ABS-CBN Ball? Bread and Circuses again a la Imelda Marcos,” na nakakabit ang pangalang Mike de Leon sa name handle na Citizen Jake sa Facebook na gamit noong panahon ng promotion ng pelikulang Citizen Jake na bida si Atom Araullo noon.
Nagsisinter si Lolo Direk at ang glamorosang party ng mga artista ng ABS-CBN for charity ay ikinumpara sa panahon ng Marcoses gayong walang political color ang pagtitipon.
Sa katunayan, ang pinakamataas na nag-donate para sa Bantay Bata 163 na beneficiary ng naturang event ay si Mother Lily Monteverde na sa kaalaman ng nagmamaganda at nagmamaasim ay malaki ang nalikom para sa charity.
Dahil ba hindi na-invite si Lolo Direk kaya sourgraping siya sa kasiyahan na inintriga pa niya at ikinumpara sa ibang sosyalang event na ginamit pa ang statement ni Marie Antoinette (of France) noong naghihirap ang bansa nila at wala makain: ”Let them eat cake.”
Ha ha ha… walang pondo ng bayan po ang nabawas sa naganap ng charity ball. Hindi ko maintindihan ang punto de bista ni Lolo Direk na “exploitation of children” ang naturang event gayong malaki ang naitulong ng fund raising ball ang nalikum noong gabing yun.
Dagdag na emote pa ni Lolo Direk: “Kung Hollywood pa, OK lang siguro but in a third world country like ours?” tanong pa niya sa thread ng chat.
Ang isang simpleng kasiyahan na may purpose na makapagpatayo ng Children’s Village sa Bulacan para sa mga abused children ay gagamitin niya sa kung ano man ang political issues niya.
Sa ganang akin, nagmamaasim si Lolo Direk. No wonder until now ay may natural high pa rin siya na iginawad sa kanya noong panahon na yun tungkol sa galing niya sa mga pelikulang nagawa niya tulad ng Sister Stella L. ni Vilma Santos at Batch ’81 ni Mark Gil noong ilang dekada na sa panahon ng mga millennials ay mas madami na mga kabataan na mga film makers at mga manunulat na milya-milya ang agwat sa galing niya.
Reyted K
By RK Villacorta