Direk Paul Soriano, inip na inip na kay Toni Gonzaga!

INAMIN NI Toni Gonzaga sa nakaraang presscon ng Kuwentong Kusina, Kuwentong Buhay na ipalalabas sa darating na June 23, tuwing Linggo sa ganap na 9 ng umaga na inip na inip na ang kasintahang si Direk Paul Soriano na magpakasal na sila at bumuo ng sariling pamilya.

May pinirmahan nga lang kontrata sa ABS-CBN, kung saan may mga naka-stipulate dito na kailangtan niyang tapusin. Pero naniniwala si Toni na ke matapos man ang kontrata niya o hindi, tulad ng sinabi ng kanyang ama, ang kasal darating at darating ‘yun. Pero sa ngayon, ‘di pa ito dumarating pero hindi siya nagsasarado ng pinto.

Iseselebra ang kanilang pitong taong relasyon ngayong buwan kung saan naniniwala ang iba na karamihan sa mga   relasyon ay maaring dumaan sa 7-year itch, na ang iba ay maaaring mauwi sa hiwalayan o ‘pag nalagpasan naman ay mas tatatag ang isang relasyon, hindi naman ine-enteratain ang ganitong ideya dahil naniniwala siya na kung ano ang iniisip mo ay siyang maaaring magkatotoo.

Nu’ng nakaraang taon, niregaulahan ni Direk Paul ng crash course ng Culinary Arts sa Center for Culinary Arts dahil kinausap ang kasintahan na ayaw na niya ng mga materyal na bagay sa anniversary nila. Nabibili naman kasi niya ang mga materyal na bagay na gusto niya. Nakatulong naman ng malaki kay Toni ang nasabing crash course dahil bukod sa sarili niyang pag-aaral sa pagkukusina ay marami siyang natutuhan sa kinuhang kurso.

NU’NG NAKARAANG Lunes, bumalik sa Obrero Elementary School sa Tondo, Manila si Vice Ganda, eskuwelahan kung saan nagtapos ng elementarya ang komedyante at dito ay nagbigay ng school supplies si Vice para sa mga mga estudyante ng nasabing eskuwelahan.

Dito namin nalaman na accelerated pala nu’ng elementarya ang TV host/comedian at nu’ng nag-aaral siya rito ay kasama nila ang mga special kid. Masaya si Vice na balikan ang kanyang nakaraan sa nasabing eskuwelahan na para sa kanya ay luminang ng kanyang mga talento.

Masaya rin na natapos at natahimik na ang isyu sa kanila ni Jessica Soho nang maging laman ito ng pagbibiro niya sa kanyang nakaraang concert , ang I-Vice Ganda Mo Ako Sa Araneta, para kay Vice ay mas maganda kung mag-move on na ang lahat at isang paraan ng pagmo-move on niya ay ang paggawa ng kabutihan sa ibang tao at ibahagi ang kanyang blessings sa ibang tao.

Tinanong din namin na may suhestiyon daw si MTRCB Chairman Toto Villareal na magtatag Comedy Academy para sa responsableng pagpapatawa, ikinuwento sa amin ni Vice na nabanggit nga ito sa kanya ng chairman nang magpatawag ito ng meeting sa kanila at sinabihan siya na kahit bata pa siya ay tinuturing na rin naman siyang icon sa comedy. Pero  agad na nagsalita si Vice na ayaw niyang magturo, dahil mas gusto niyang makinig at matuto.

Kuntento at masaya sa kanyang buhay, dumaan man sa depresyon nu’ng nakaraang mga araw kung saan isang linggo siyang ‘di sumipot sa It’s Showtime para dalawin at makasama ang kanyang lolo na nagpalaki sa kanya sa Boracay na ngayon ay kasama na niya sa kanyang bahay.

Isa itong estado sa buhay niya na nakita ni Vice na bukod sa pagpapatawa ay mayroon din siyang misyon sa buhay at ito ay para tumulong at maging blessing sa ibang tao.

 Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

Previous articleDennis Trillo, magaling magpanggap na bading!
Next articleJake Vargas, nagrerebelde kay Kuya Germs?!

No posts to display