VERY POSITIVE si Direk Paul Soriano na magwawagi si Manny Pacquiao sa laban nito kay Floyd Mayweather sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas on May 2 (May 3 sa ating bansa).
Ayon kay Direk Paul na siyang nagdirek ng Kid Kulafu (bio-flick ni Manny noong bata pa siya) na mapapatulog ni Manny si Mayweather. Pero matalo man o manalo raw ang Pambansang Kamao, mananatili pa rin itong one of the worlds greatest boxers of the history.
“With or without Mayweather, Manny Pacquiao is gonna go down as one of the best boxers in boxing history. He’s gonna be in the Hall of Fame. You cannot take away the world titles in eight weight division. It’s unprecedented. So, Mayweather does not define Manny,” pahayag ni Direk Paul.
Isa pa raw magandang bagay na nagagawa ni Manny ay pagkaisahin ang buong mundo.
“Where can a hundred million people come together for an hour and just be at peace? He’s able to unite network, he’s able to unite big network abroad. And I felt you know, this young boy who grew up in Sarangani, in Bukidnon, in the mountain is able to influence not just the Philippines, but the world.
“And on May 3 here in the Philippine, the world will stop and watch our hero Manny Pacquiao carry that flag proudly. Win or lose, he’s got my support and I believe every Filipino can say the same,” say pa ni Direk.
Samantalang hindi isasama ni Direk Paul si Toni Gonzaga sa panonood ng labang Manny at Mayweather sa Las Vegas dahil alam daw niyang sobrang dami ng commitment ng future wife niya.
Bagama’t wala pa raw ticket ay sinisiguro ni Direk Paul na pupunta siya ng Las Vega para suportahan si Manny.
“I’ll definitely, be there to support Manny. If I get into the arena, that would a great blessing but I’m gonna be there in Las Vegas to watch, whether or not I’d get to sit in the arena or not, it doesn’t matter. What matter is Manny sees my support for him, because he’s just been such a great blessing to this project (Kid Kulafu) and it’s something I wanna do in return.
“If I find my way, if we make a hundred million gross in Kid Kulafu, baka I can buy a ticket,” nakangiting say ni Direk Paul.
Hindi kaya dahil sa sobrang mahal ng ticket sa laban nina Manny at Mayweather kaya gustuhin man niyang isama si Toni ay hindi niya magawa?
Kung sa bagay, puwede namang panoorin sa pay per view ang laban ng dalawa, ‘di ba?
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo