SA UNANG araw ng Sineng Pambansa last Wednesday dalawang pelikula agad ang pinanood ko, ang “kontrobersiyal” na Lihis, at Ano ang Kulay ng Nakalimutang Pangarap. Pero may ilang mga movies na hindi nakahabol sa first day of showing like Badil, Tinik at Eman na may nakapagsabi sa akin na bad trip si Direk Peque Gallaga dahil ang ilang directors na kabilang sa Master’s Showcase ay hindi tinapos ang entries nila at nagpabaya sa deadline na ibinigay gayong binigyan sila (as film directors) ng SM Cinemas ng magandang pagkakataon para maipalabas ang mga obra nila, pero hindi nila ito pinahalagahan.
Una naming pinanood ang Lihis na pinagbidahan nina Jake Cuenca at Joem Bascon with Lovi Poe on the side.
Ang Lihis ay kuwento ng dalawang Pulang Mandirigma na umibig sa isa’t isa sa gitna ng kanilang responsibilidad sa Kilusan sa panahon na hindi pa tanggap ang gayong klaseng pag-iibigan.
A gay love story na ginawang background ang pang araw-araw na aktibidades ng isang NPA sa kanayunan (mga teach-ins, mass work at makipag-encounter with the military eklat) na sinulat ni Ricky Lee at dinirek ng “aktibistang utak ek” ni Direk Joel Lamangan na for us, mas excited pa yata kami na mapanood ang pelikulang Eman na isang totoong rebolusyonaryo ng kanyang panahon na kapatid ng isang batikang kuwentista at manunulat na si Pete Lacaba na ngayon ay konektado sa #1 Showbiz Magazine na Yes!.
Pangalawang pelikula na pinanood namin na hindi kami nagsisi ay ang obra ni Direk Joey Reyes na “Ano ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap” na bida ang magaling na si Rustica Carpio. Masakit sa dibdib ang pelikula pero maganda ang pagkahabi ng mga eksenang flashback para makilala mo ang karakter ni Teresita (played by Ms. Rustica). Halos lahat ng mga karakter sa pelikula nagbigay ng kanilang kontribusyon para masabi ko na maganda ang obra. Magaling si Ryan Agoncillo. Akala ko, host lang siya ng Eat Bulaga, Talentadong Pinoy at mister ni Judy Ann Santos pero lumutang siya bilang si “Bunso”, ang paboritong alaga ni Teresita.
Touching ang pelikula ni Direk Joey tungkol sa isang kasambahay (mula sa pagkabata hanggang sa tumanda) na naglingkod sa isang mayamang pamilya na ipinagpalit ang kanyang pag-ibig at magkaroon ng sariling pamilya para lang sa pamamahal sa amo na kanyang pinaglilingkuran. Very touching ang pelikula.
Pero kung ini-expect naman ng mga beki na nag-iilusyon kina Joem Bascon at Jake Cuenca na super-hot ang mga love scenes nilang dalawa ay waley. In short nagparaos lang sila para ma-establish lang ang gay to gay relationship ng dalawa. Hindi ito sex film.
Between Lihis and Ano Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap, dito na ako sa pelikula ni Direk Joey. Say nga ng isang mataray na entertainment columnist at radio personality na nakasabay namin sa panonood ng Lihis, “Naku, very Joel Lamangan na wala na rin namang bago.”
UMIYAK KA ba dahil sa first kiss mo? Ganu’n yata ang feeling ni Kiray Celis nang halikan siya ng guwapong si Arjo Atayde.
Never been kiss ang drama ni Kiray sa tanang buhay niya pero mayroong first time at naganap ito sa MMK episode na ipalalabas bukas kung saan the young comedienne had her first passionate kiss with the guwapong young actor.
Maraming mga dalaga ang nangangarap, lalo na ang mga baguhan sa Star Magic na makapareha si Arjo, pero of all the “beauties” sa Star Magic, siya ang lucky girl para makipag-L to L kay Arjo.
Ang feeling kinakabahan niya bago maganap ang kissing scene ay nauwi sa pa-tweetums.
Kiray and Arjo played a young couple na maging ang karakter ni Kiray ay hindi makapaniwala na iibig sa kanya ang karakter na isang guwapong dating tricyle driver na nagsumikap at nagtrabaho overseas para balikan siya at mahalin at pakasalan.
Aside from MMK, busy si Arjo sa taping ng Dugong Buhay na paganda nang paganda ang kuwento.
From Arjo’s role sa MMK’s “Bangka” episode kung saan nagbigay sa kanya ng award mula sa PMPC, malayu-layo na rin narating ng “anak” namin ni Ibyang.
Reyted K
By RK VillaCorta