SUWERTE NI DIREK PRIME CRUZ, ang direktor nina Gerald Anderson at Arci Munoz sa bagong romcom na Can We Still Be Friends? dahil wala sa dalawang bida ang pa-star sa set ng shooting nila lalo pa’t ang mga nakatrabaho niya ay sikat at siya naman ay isang baguhang director pa lamang.
Aminado si Direk na kinabog siya .”Siyempre, nu’ng first day sobrang kabado. Tapos siyempre, iniisip mo rin ’yung mas maipapalabas siya sa mas maraming tao.”
“Na-starstruck po talaga ako at saka alam kong hit ’yung last movie nila (Always Be My Maybe). Tina-try ko na lang siyang huwag isipin, kasi ’pag inisip mo na ’yon… pressure ’di ba?” kuwento ng direktor.
Maganda ang experience niya sa dalawa artista.” Feeling hindi sikat sina Gerald at Arci.” Cool lang sila,” dagdag niya.
Sabi pa ni Direk during the grand launch ng movie nila na showing na simula mamaya , Wednesday, June 14 na enjoy siya habang ginagawa nila ang pelikula. ”Pero ako, enjoy naman. Hindi naman pala sila nakaka-intimidate kapag nasa set na. Very collaborative sila and fun sila makatrabaho,” paniguro ni Direk Prime.
As additional backgrounder lang about Direk Prime, May dalawa na siyang pelikula na nagawa: Ang indie films na “Sleepless” na pinagbidahan nina Glaiza de Castro at Dominic Roco at ang dark romance na “Ang Manananggal sa Unit 23-B”, kung saan napansin ang galing ni Ryza Cenon sa pag-arte.
Team sila ng girlfriend niya na si Jen na siyang sumulat ng script ng “Can We Still Be Friends?”. Para sila loveteam din sa work tulad ni Direk Dan Villegas at Antoinette Jadaone.
Reyted K
By RK VillaCorta