NAKILALA AT SUMIKAT si Rowell Santiago noong dekada ‘80 bilang artista. Gumawa ng mga makabuluhang pelikula katambal sina Sharon Cuneta, Jackie Lou Blanco at Pops Fernandez. Hindi nagtagal, tinalikuran niya ang pag-aartista, nag-concentrate sa pagiging director.
Hindi naging madali para kay Rowell ang pagbabalik-aktor niya. As a director, super hectic ang schedule sa pagdi-direk ng mga shows at concert here and abroad. Last year, nag-cameo role siya sa A Very Special Love at You Changed My Life ni Direk Cathy Molina. Buong akala ng actor/director, du’n na natapos ang pagharap niya sa kamera. Naging hudyat pala ‘yun para ialok sa kanya ng Dos ang teleseryeng Tanging Yaman.
“I think with my schedule, I can’t kasi, never in my life na nagkaroon ako ng teleserye. Siguro ang gusto ng ABS, kumuha ng isang artista na nakakapag-perform ng ibang character. Nilapitan ako, ipinakita sa akin ang script, nagkaroon kami ng conference, tinulugan ko tapos sabi ko, siguro sa akin nga ito. It took me one week, two weeks to say, yes. Sinabi ko sa kanila, kung gagawa rin lang ako ng isang role or ng isang teleserye, ‘yung makabuluhan na,” turan niya.
Ano ang nagtulak kay Direk Rowell para gawin ang teleseryeng ito? “Lahat sila nag-aagawan para mag-presidente, ‘di ba? Bakit hindi ko ba kayang maging presidente? Given this role, natutuwa ako at ibinigay nila sa akin ‘yung role bilang Pangulo ng Pilipinas. Sa isang panahon na napaka-importante dahil ‘yan ang advocacy ng ABS-CBN sa paggawa ng Tanging Yaman. Kung gagawa rin lang ako ng soap, sa Dos na. Du’n sila magaling. As a matter of fact, naalala ko ‘yung dating ginagawa ko, I do my homework, I come prepared. I’m very excited, mapapanood na nila ako araw-araw,” seryosong sabi ni Rowell.
Ngayong magiging active sa telebisyon si Rowell as an actor, tatalikuran kaya muna niya ang pagiging director? “Honestly, naging instant fan ako ni Cathy Molina not knowing after three weeks, she’ll offer me a role in A Very Special Love at You Changed My Life. I accepted it because it’s short but very important role and at the sametime ang feeling ko, ‘yung generation ngayon dapat makilala rin ako. Kahit paano, naging artista rin ako, kilala kasi nila ako bilang director. Hindi ko tinatalikuran ang pagiging director ko. ‘Pag natapos ako ng taping ng nine in the morning, dumidiretso ako as a director the next day. My schedule is Tuesday, Thursday and Saturday, directorial commitment, Monday, Wenesday and Friday. I’m still having concerts like Martin and Pops. Definitely, director pa rin ang priority ko, I love creating something, maluwag sa dibdib ko. Gustung-gusto ko itong experience dahil gusto ko ‘yung mga trabaho ko. Ini-enjoy ko pa ‘yung company nila kahit behind the scene pa kaming nagkukuwentuhan,” pahayag ng actor/director.
Nagpapasalamat si Rowell kay Direk Cathy sa pagbibigay ng break sa kanya na makabalik uli sa pelikula. Ikinuwento pa niya, labis na ikinatuwa ng kanyang pamilya ang paggawa niya ngayon ng teleserye.
“I enjoy the company, I enjoy the experience. Itong soap, pinag-isipan kong mabuti dahil sa unholy hours na pagtatrabaho. Ang pamilya ko ang unang natuwa dahil mga addict ang mga ito sa soap. Ang feeling ko, dapat pagbigyan ko na sila. Mapapanood na nila ako araw-araw at naiiba ang role ko. Sino ang tatanggi sa role? Magiging Presidente ka ng Pilipinas, ‘di ba?”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield