AFTER THE BIG success of Tayong Dalawa nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Agad silang binigyan ng pelikula ng Star Cinema ang Paano Na Kaya? Ibang klase kasi ang chemistry ng dalawa kaya patuloy na tinatangkilik ng publiko ang kanilang tambalan.
Ngayong inamin nina Kim at Gerald na may mutual understanding na nga sila. I’m sure, lalong kikiligin ang mga fans, hahataw ito sa takilya at magiging box-office hit. Maging si Direk Ruel Bayani ay saksi sa matamis nilang pagtitinginan.
“Sa totoo lang, sobrang close ako sa kanilang dalawa. Almost everyday kasama ko sila, hindi ako ‘yung taong puwede nilang lokohin or isang tao na kailangan pa nilang magpanggap. Wala na silang puwedeng itago sa akin. Hindi lang kami magkakatrabaho, magkakaibigan, close pa kami sa isa’t isa. Honestly, there is so much love in between them, may isang tao sa tabi mo na patatawanin ka, kukulitin ka, dadalhan ka ng pagkain. Gusto si Kim ng pamilya ni Gerald, pamilya ni Kim gusto si Gerald. Maging ‘yung drivers at yaya nila gusto silang dalawa, kulang na nga lang sa kanila ang kasal,” say ni Direk Ruel.
Almost four years nang magkasama sina Kim at Gerald, kilala na nila ang bawat isa. Maraming beses na silang nagkaroon ng kissing scene in front of the camera. Mga halik na punung-puno ng pagmamahal. “Kinikilig ako sa kissing scene namin ni Kim. Tatlong beses ‘yung kissing scene namin, importante kasi ‘yun sa eksena,” sabi ni Gerald.
“Kung nu’n naka-close ang lips, ngayon nakabuka na ‘yung lips nila. Kasi, ang malalim na ‘yung feeling nila for each other on screen and off screen. Nakikita ko kasi ‘yung difference, kasi ilang beses ko na silang kinukunan ng kissing scene. Sa Tayong Dalawa, twelve (kissing scene) tapos dito sa movie namin ilang beses din. Kung gaano lumalalim ‘yung feelings nila, nakikita ko ‘yung kiss nila, nag-i-improve din. Honestly, there is so much love between them,” dugtong naman ni Direk Ruel.
Ayon kay Direk Ruel, “’Yung kantang ‘Paano Na Kaya?’ parang ginawang kanta para sa movie at ‘yung movie ginawa para sa kanta. I’m sure, ito na ‘yung last movie nila Kim at Gerald na may kaunting pa-cut sa simula. Sa next movie, mas lalong dramatic, mas malalim ang tema. Hindi maiiwasan, nagma-mature ‘yung nakikita ng audience kina Kim at Gerald. I just could imagine doing young Vilma and Boyet roles in the near future sina Kim at Gerald. Doing Relasyon at Broken Marriage.”
Gaano na nga ba kalalim ‘yung relasyon ninyong dalawa ? “Sa akin naman po, 2010 na, pagod na rin ako sa mga safe answers. Siyempre, sa tagal na magkasama kami ni Kim, four years na, hindi kami nagko-confirm kung ano ‘yung sa amin. Ayaw ko ring sabihin na we’re really close friends, tapos na kami sa friendship. Basta ang sa amin, ayaw ko pong masaktan si Kim, siguro ayaw rin niyang masaktan ako. Mutual understanding, du’n pa lang kami ni Kim. Pero hindi ko sinasabing mag-syota kami, boyfriend niya ako, ”paliwanag ni Gerald.
“Ako, masaya akong kasama si Gerald parang lagi akong safe kapag nand’yan siya. Palagi niya akong pinatatawa, isa siya sa nagpapasaya sa akin ngayon at masaya kami kapag magkasama kami. Hindi pa, malapit na, napag-usapan na namin ni Gerald, maghihintay naman po siya. Kailangan din niyang mag-enjoy dahil bata pa rin siya,” wika naman ni Kim.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield