ISA AKO SA tagahanga ni Direk Soxy Topacio. Natatawa ako sa kanyang mga acting at dialogue. Palibhasa, isa siyang director at beterano sa larangan ng acting sa showbiz. At naging isa siya sa facilitator ko sa GMA Films & TV Productions Workshop. Ehem!
Bilang ako ay isa mong tagahanga, ano bang puwede kong itawag sa ‘yo? Badaf, swarding, lalaki o estilo mo lang? “Wala ahh… kasi eversince naman gay ako, eh. Gay, mas maganda. Meron kasi akong mga kaibigang directors na they think I can act kaya binibigyan nila ako ng straight role (lalaki) kahit na bakla ako. Kasi I grew up with PETA eh, nandoon sina Lino Brocka at Mario O’Hara. Halimbawa si Direk Mario O’Hara, kinuha ako sa ‘Tatlong Taong Walang Diyos’ na film para gumanap na hired killer ni Christopher de Leon.”
Hindi matatawaran iyong mga binanggit niyang pangalan. ‘Yun ang mga orihinal. Ah, ang galing… ha-ha-ha! “Actually, I’m enjoying it. It’s the mere fact na I’ve accepted that I’m gay. Basta ako, I developed my artistic craft at walang gender ‘yan, eh! You can be a plain girl, lalaki, straight, gay, lesbian, actor, director. It helps me a lot because I think kapag meron kang the yin and the yang side sa ‘yo, it is which important in the craft.”
Ah, kumbaga parang dual aircon, ha-ha-ha! “Ako when I direct actions, concern din ako sa design, costume at set. Dapat bang may bulaklak itong set? Mga ganu’n.”
Ah, ako sa tingin ko, sa hinala ko kahit sa pagre-research ko, even my theory, lumalabas na may artistic side ang katulad ni Direk Soxy kaysa sa isang normal na babae o lalaki. “Lalo na siguro if you’re open.”
Hindi niya masabi sa mga artista ‘yun kasi baka mabuking, ‘di ba? “Ako I can tell na, ‘Hoy! Hindi ko gusto ang kulay ng lips mo ayoko ‘yan.”
Ayon kay Soxy, siya pa lang noong dekada ‘80 ang bakla sa sitcom na Duplex ng RPN 9. At may ruling daw noon na kailangan siya lang ang bakla sa mga show ng istasyon. Sa Channel 13 naman sa Iskul Bukol ay si Tonette Macho.
Doon na-realize na masaya pala kapag may bakla kaya dumami na nga naman ang nagladlad sa TV. Dagdag pa niya, ‘di lahat ng bakla ay artistic or talented or witty at malandi. “Meron talagang bakla na hindi malandi. I mean, si Joel Lamangan, if you see him mukha siyang maton! Totoo ‘yun! Lahat ng role n’ya ‘nung araw, maton.”
Tingin ko nga upakan ka ‘nun ‘pag nagluko ka, he-heh! “So, hindi nagme-make-up ‘yan! Before, we had an organization of gays. Ang tawag namin sa grupo namin KATLO, parang ikatlo.”
Ah, parang ikatlo, THIRD EYE? “Ang members ‘nun may teachers, may lawyers, may priests. Ang gusto talaga namin eh, we have to destroy that myth about us. Kasi ‘dun kami nadi-discriminate, eh. Ang nasa isip nila kapag bakla, sex lang ang nasa isip, eh.”
Ah, at parang pakiramdam nila ay mananantsing? Mandadale lang? Mamamalisya? “At may myth na kapag ang lalaki kumabit sa bakla mamamayat!”
Ha-ha-ha! Tinanong ko kung gusto niyang magkaanak sa babae. “Ah, hindi ako nagkakaroon ng erection sa babae! Hahahha! Marami na akong kaibigan babae, ni-rape ako, pero wala namang nangyari, ‘di ba? They wanted to try me.” Kahit maganda, wala raw talagang chance. Iniisip ko kasi ‘yung future n’ya eh, dahil lalaki pa rin naman ako, eh! Anuman ang mangyari, ang bading kasi may espada pa rin naman ‘yun, eh! Kasi I remembered, si Lino (Brocka) when he directed Dolphy sa ‘Tatay kong Nanay’, tinanong siya ni Dolphy, sabi, ‘direk, pa’no ba masaktan ang bakla?’ Sagot ni Lino sa kanya, ‘Mang Dolphy, emotions has no gender. Ang bakla ‘pag nasaktan, masakit! Katulad ng sa iba’.”
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia