CHARLES YULO, graduate of Bachelor of Science in Hotel & Restaurant Management, major in Hospitality Management. Kumuha rin siya ng course in Interior Design (Philippine of Interior Design) from De La Salle College of Saint Benilde.
Right now, nagri-review si Charles for his board exam for Interior Design this coming October. Kahit busy sa kanyang pag-aaral, binibigyang-halaga nito ang passion niya to be an actor.
“Promise ko kasi sa parents ko na magtatapos muna ako bago ko gawin ang gusto ko. Dream ko talagang maging actor and to be a great comedian. Thanks to Direk Wenn Deramas na siyang nagbigay sa akin ng biggest break in showbiz to be part of the movie Momzillas. Kasama ko sa cast sina Maricel Soriano, Eugene Domingo, Billy Crawford, Andi Eigenmann, Mel Martinez, Paul Jake at Joey Paras ng Viva Films and Star Cinema,” excited na sabi niya.
Speaking of acting and TV experience ni Charles, naging champion member siya ng Sabayang Pagbigkas noong High School. Naging stage actor rin siya ng Alibaba and Forty Thieves (Theater Production, High School), Macbeth (Theater Production, College). Actors Actors Incorporated Theater Workshop by Bart Guingona. Nag-graduate ng acting workshop at advance workshop sa ABS-CBN Star Magic Basic Acting for TV/FILM (Batch 2012, October).
Passionate na si Charles about the art of acting since grades school. Naging major influence sa kanya ang acting performance nina John Lloyd Cruz, Coco Martin, Jericho Rosales, Nonie Buencamino at Hollywood icon comedian Jim Carrey. Bukod sa theater and voice acting, marunong rin siyang kumanta.
Dating theater/TV actor ang father ni Charles kaya nasa dugo niya ang pag-aartista. Kahit first movie nito ang Momzillas, kinakitaan agad ito ng galing sa pag-arte. Nang una ngang makita ni Direk Wenn ang young comedian, hindi ito nagdalawang-isip para i-cast sa kanyang pelikula.
“May character ang personality ni Charles. Puwede siyang i-develop para maging isang magaling na komedyante. Kailangan lang niyang mabigyan ng break para lumabas ‘yung galing niya as an actor, kaya agad ko siyang isinama sa cast ng Momzillas,” say ng boxoffice director.
Palibhasa may determination sa sarili si Charles sa mga pangarap na gusto niyang marating, hindi malayong matupad niya ang kany ang mga pangarap. Kahit baguhan palang sa showbiz ang binata, willing siyang matuto para maging isang magaling na actor/comedian.
HINDI LANG magaling na actor si Mel Martinez, isa rin siyang chef at may sariling restaurant sa Scout Lozano St.,Tomas Morato. Tinawag niyang “Kusina ni Bunso”ang newly open to the public, it’s a traditional Filipino home-cooked dishes with a twist. Bata pa lang siya, mahilig na siyang magluto.
Nang dahil sa galing niya sa pagluluto, kinuha siya ni Ricky Reyes para mag-guest once a week sa show nito sa Channel 5. Karamihan ng mga client ni Mel ay Chinese-Filipino. Inamin ng magaling na comedian na he’s not really a chef in the strictest sense. Hindi siya graduate na may diploma. Wala siyang culinary degree. Pero may certificate course si Mel at pasado sa TESDA exams.
Alam ni Mel na magaling siyang magluto kaya dinarayo ng celebrities at mga businessman na mahilig sa lutong-bahay ang kanyang restaurant. Madalas kumain sa Kusina ni Bunso sina Marian Rivera, Christian Bautista, Mark Bautista, Rachelle Ann Go, at Mark Herras.
Personalized ang ginagawang pag-entertain ni Mel sa kanyang mga customers. Tuwing nakikita niyang puno sa ibaba’t itaas ang kanyang resto, nawawala ang pagod niya. Iba raw ‘yung feeling kapag nakikita mo na-satisfy ‘yung customer sa kinain nila, sulit ‘yung binayad. Oo nga naman, sige nga, masubukan…
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield