MASAYANG IBINALITA NI Wenn Deramas na hinirang siyang Best Director of the Year 2011 ng “Gawad Awards Sa America” na gaganapin sa Hollywood Center, Los Angeles, USA on November 5. “May grupo ng mga Fil-Am journalist doon na kung sino ‘yung mga archievers sa local cinema bibigyan nila ng parangal. For example, pagdating sa film director, ako. Si John Lloyd Cruz sa Best Actor. Si Uge (Eugene Domingo) sa Best Actress. Ang sabi nila sa akin, there’s no particular film, basta ‘yung contribution mo sa movie industry ang pinagbabasehan nila like ‘yung ‘Tanging Ina’ ko,” say ng blockbuster director.
As a director, nag-iipon yata ng award si Direk Wenn dahil halos lahat ng award-giving bodies ay may trophy na siya bilang Best Director. “Hindi naman, ang award naman ay ibinibigay. Ako naman ang tipong hindi tatanggi kung ibinibigay sa akin at alam kong deserving akong manalo ng award,” sambit niya.
Tinanong rin namin si Direk Wenn kung anong award ang pinaka-precious para sa kanya? “Walang particular, honest ito. Siguro dahil alam kong commercial range director ako. I know what I want.”
Katatapos lang gawin ni Direk Wenn ang pelikulang Praybeyt Benjamin na pinagbibidahan ni Vice Ganda, showing on October 12. Isusunod naman niya ang The Idiots nina Luis Manzano, Billy Crawford, DJ Durano at Marvin Agustin.
“Tapos jump ako kay Ate Vi (Vilma Santos) kung tapos na siya sa Star Cinema. Baka last quarter na ako kay Ate Vi with Uge (Eugene Domingo), comedy. Nagustuhan naman ni Ate Vi, naibigay na sa kanya ‘yung concept, lahat. Sobra niyang gustung-gusto, kaya lang nauna na ‘yung commitment niya sa Star Cinema. Mayroon pa akong Toni (Gonzaga)-Vice (Ganda), next year na ito. Hanggang dito lang ako sa ‘Si Malakas at Si Maganda’ tapos January, jump na ako sa The Idiots under Viva Films,” pagmamalaking kuwento ni Direk Wenn.
Comment ni Wenn tungkol sa mga baguhang indie directors na sinasabing walang kawawaan ang kanyang mga pelikula. “Indie directors? The new sila? Siyempre naman, fourteen years na akong director so, hindi na ako new. Pero noong fourteen years ago, new ako, ‘di ba? Bago sila mang-okray ng mga trabaho ng mainstream directors, pakitain muna nila ‘yung mga pelikula nila. Kasi ako, lagi ko itong sinasabi, gusto ko ang nanonood sa akin libu-libong tao, hindi mga surot, ‘di ba? Bago sila mang-okray, i-try nilang gumawa ng pelikula kung saan magkakaroon ng interes ang mga taong manood ng pelikula hindi ‘yung sila-sila lang. Kasi, that’s different.
“Kahit naman ako, kung gugustuhin ko pero ang tanong, para saan ba ang pelikula? Kasi ang gusto ko sumalamin sa buhay ng mga tao na MMK, may news. Pero ano ba ang pelikula? Ang pelikula ay entertainment. Ang tao, nagbabayad ng 190 pesos so, you have to entertain this people na nagbayad,” pahayag ni WD.
Nasasaktan o walang pakialam si Direk Wenn kapag sinasabing hindi maganda ang pelikula niya? “Ang maganda’t pangit pagda-ting sa pelikula o kahit anong bagay ay relative. Kapag sinabi niyang hindi siya natawa, hindi maganda, we have to respect. Pero hindi mo rin mapapasubalian na ‘yung maraming nanood ng pelikula at sila mismo ang nagsabi na maganda ang pelikula, mas paniniwalaan ko ‘yun.”
Nang dahil sa success ng Mula Sa Puso ni Direk Wenn, inihahanda na ang susunod niyang teleserye sa Kapamilya Network. Pinatawag nga sila ng management dahil sa taas ng rating nito. Nag-number 1 ang nasabing soap, naibalik kasi nila ‘yung ratings na 26 percent ng 6PM timeslot.
Ayon kay Direk Wenn, drama uli ang next project niya sa Dos. “Basta nagkasundo kami na drama ako sa TV, comedy ako sa pelikula. Magandang balance, ‘di ba?” Tsika ni Direk Wenn Deramas.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield