HINDI NAMAN nababahala si Wenn V. Deramas kung sinasabi ng kampo ni Vic Sotto na sila na ang may hawak ng korona sa box-office sa darating na MMFF this December 2015. Paliwanag ng versatile director,” Kapag nangyari ‘yun, mangyayari. Pero huwag muna nating pangunahan kapag hindi pa nangyayari. Kasi nga nu’ng nangyari ‘yung bakbakan ng “My Little Bossings”, ‘yun din naman ang sinabi nila. Hindi naman nila sinabing magna-number 1 ang “Girl, Boy, Bakla, Tomboy.” Pero noong pagdating sa huling laban, sino pa rin ang nag-number 1?”
Lahat naman ng kalahok ay nangangarap na ang pelikula nila ang mag-top grosser sa filmfest. Ayon sa box-office director, wini-welcome niya ang lahat sa showbiz, walang ownership. Masaya ang starmaker sa success na tinatamasa nina Alden Richards at Maine Mendoza. “Natutuwa ako sa ikinaaasenso ng AlDub dahil talaga naman ang charming nu’ng babae (Maine) at napakaguwapo ni Alden Richards. Ako mismo crush ko si Alden. Lahat tayo ay may space sa industriyang ito,” turan niya.
Tatlong beses nang number 1 sa kita sa takilya ang pelikula nina Direk Wenn at Vice Ganda sa MMFF. Kung sinu-sino na nga ang tumapat, pero hindi kinaya ang power nila ang magic tandem nina Direk Wenn at Vice. “Dapat I-welcome ang lahat ng bagay, kumpetisyon man o kakampi, kasi at the end of the day, kayu-kayo pa rin ang magkakasama. Napakaliit ng mundong ito para sabihin mo na sa ‘yo lang dapat ang mundong ‘to,” say niya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield