DIREK WENN DERAMAS is excited to be directing the remake of Mula Sa Puso that will star Lauren Young, JM de Guzman and Enrique Gil. The three stars beat over a hundred stars who auditioned for the lead roles in the much-awaited teleserye.
“Basically ‘yung istorya, ‘yun pa rin, pero ‘yung treatment na dati ikinukuwento lang dito ginawa kong eksena,” sez direk Wenn.
Hindi maiiwasang mataas ang expectation ng publiko sa bagong teleserye ni Direk Wenn. “Siyempre, fourteen years ago, wala akong alam. Ito ang unang soap ko. ‘Yun ang sinabi ni Ma’am Charo(Santos) kaya ko tinanggap. Pero after all the awards, success, gusto kong makita ang MSP. Nakakataba naman ng puso na ganu’n niya ako pinagtiwalaan uli na ako ang gagawa. Ito kasi ang naging successful, 74 percent grabe.”
Sa tingin kaya ni Direk Wenn kakayanin ni Lauren Young ang papel as Via na dating ginampanan ni Claudine Ba-rretto?
“Oo, kasi, ang maganda dito supported sila ng mga magagaling at beteranong artista. Pangalawa, sila naman ay hindi handpicked, dumaan sila sa audition, workshop, teaming.”
So, this time ay straight drama ang magiging papel ni Direk Wenn sa bago niyang project sa ABS-CBN. Sabi ko nga sa sarili ko, nakakatawa, ‘yung drama pa ang naging breather. Comedy dapat ang na-ging breather kung puro drama ang ginagawa mo,” lahad ng mahusay na director.
Ibig kayang sabihin ni Direk ay mas matitindi ang bawat eksena compared sa original version ng Mula Sa Puso?
“Kung hindi maganda, tatahimik na lang ako. Ito, kinarir ko, natatapos ako ng 6 am the next day. Kasi, iba ‘yung pressure sa sarili. For fourteen years, virgin pa ako nung gawin ko ito.”
Ano pa ang naka-line up niyang pro-jects?
“Tatapusin ko muna itong teleserye ko sa Dos. Tapos may isang primetime show na ipinangako sa akin.”
May intrigang palagi raw mainitin ang ulo ni Direk Wenn tuwing nasa taping, how true?
“Ako, kapag nagtrabaho ako, kaya kong gawin ‘yung trabaho ng pinakamaliit na kasama mo sa trabaho which is production assistant or utility, kaya kong gawin ‘yan for you para gumaan ang lahat. Kaya kong pakialaman ang ilaw, ang script, ang lahat para sa ikadadali ng buhay nating lahat.
“In short, magaling akong makisama pagdating sa lahat ng bagay. Pagkatapos n’yan, ako, ayaw kong nagkakamali para maging mahusay ang trabaho natin. Kapag ikaw ‘yung tao na bubuwisit sa pi-nipilit kong isang harmonious na trabaho. Harmonious na buhay, lagot ka! Kasi, wala ako laging ginagawang masama. Kapag sinasabi ang bilis namang mag-init ng ulo mo? Simply because ginagawa mo na ang lahat and yet gaganyanin ka pa!”
Nagtatanim ba siya ng sama ng loob kahit bumilang na nang ilang taon?
“Nagtatanim, pero kapag kinausap mo ako, puwedeng mawala.”
Pero kung kasalanan mo, tinatanggap mo?
“Of course. Pero kapag tinira kita, deserve mo ‘yun. You can’t please everybody, tanggap ko ‘yun. Pero dapat alam din ng taong ‘yun ang boundaries niya,” pagtatapos ni Direk Wenn.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield