SA PAG-BACK-OUT ng Star Cinema sa project nila ng Viva Films na Moron 5 and A Crying Lady, sinabi ni Wenn Deramas na iniiwas niya ang sarili sa gulo. Ang gusto lang daw niya, mag-entertain, magpatawa. “Tatanungin ni Bimby, what is sulit? Ito po ‘yung sulit. Hahaha!” natatawang sabi ni Direk Wenn na ikinatuwa ng media.
Ipinaliwanag din ni Wenn kung ano ‘yung sinasabi niyang experimental na ginawa niya rito sa kanyang pelikula. “Hindi ba’t nasanay na tayo na ang mga pelikulang ginagawa ko ay tungkol sa nanay, ‘di ba? “Tanging Ina” series, laging nangingibabaw ‘yung nanay, kapatid. Pangalawa, kapag si Vice (Ganda) naman, tungkol naman sa homosexuality ‘yung topic ko. Dito kasi, sinubukan ko ‘yung magpapatawa ako nang magpapatawa na hindi dapat hanapan kung paano nangyari ‘yun. Kasi, nangyayari ‘yun, ganu’n lang. Hindi ko sinasabing walang kuwenta ‘yung pelikula. Gusto ko lang magsunud-sunod, tatawa ‘yung tao. Na-achieve naman namin sa Praybeyt Benjamin kaya this time tingnan natin ito. Ngayon lang ako humawak ng mga lalaki, lagi ka-sing nanay or bakla ang aking pelikula. Tingnan natin ‘yung tinatawag nilang masculine comedy.”
Dumating ba sa puntos na naging bobo si Direk Wenn in the name of love? “Matalino ako sa lahat ng aspeto lalo na pagdating sa pag-ibig.”
Palibhasa kabobohan ang mga characters na nagsisiganap na sina Luis Manzano, Billy Crawford, Marvin Agustin, DJ Durano and Martin Escudero, ano kayang kabobohan ang nagawa na nila sa personal nilang buhay?
“Mas inuna ko siya kaysa sa pamilya ko. Kasi, inuunawa ko siya. ‘Yun na ‘yung mali para sa akin. Sa tingin ko, pamilya muna bago ‘yun,” bungad na sabi ni Mart.
“Marami tayong nagagawang kabobohan sa buhay natin. Hindi natin malaman kung ano ‘yun pero naging instrumental ‘yung kabobohan natin para maging mabuting tao tayo at naging lesson ‘yun para sa atin. May natutunan tayo, magiging ma-buting tao tao, pagkatapos nu’n,” dugtong naman ni DJ.
Natutuwa kami sa magandang takbo ng showbiz career ni DJ dahil isa siya sa lead star ng nasabing pelikula ni Direk Wenn. “Actually, pangalawa ko na ito, first ‘yung ‘Pasukob’ pero naiiba ito dahil comedy. Hindi naman basta na lang ibinigay sa akin nang ganu’n-ganu’n lang kung anuman ‘yung kinalalagyan ko sa ngayon. Nagsimula ako sa TV, I re-invented myself. Nakita naman ninyo kung ano ‘yung journey ko. Masasabi kong naging instrument ‘yung kabobohan natin para matuto. Nakita rin ninyo kung ano ‘yung passion ko sa trabaho, kung paano ko ito pinagbubutihan. Deserving naman po siguro ako dahil pinagtrabahuhan ko naman kung nabigyan ako uli ng break na maging isa sa mga bida ng pelikula,” pahayag ni DJ.
“Ako, kabobohan, I guess, sa school dati. Hindi ko sineryoso ang pag-aaral. Dumating sa point na 3rd year high school, hindi na ako pumasok ng school. After that, I’ve learned my lesson, sana sineryoso ko. Ngayon, lagi akong nagbabasa ng libro dahil may negosyo nga (restaurant business) dapat kong pag-aralan. Sana kung pinag-aralan ko siya dati, dapat medyo smooth ‘yung pagpapatakbo ng negosyo,” sambit ni Marvin.
Para kay Billy, “Kabobohan, isa sa akin ‘yung lifestyle, pagiging matakaw. Actually, bago ako mag-start ng Moron 5, at one point, I was 210 pounds. So, siguro, kabobohan na ‘yun para sa akin. Na-depress ako nang gusto. I try to play basketball as much as possible. I lost 40 plus pounds bago ako mag-start mag-shooting. Nagulat nga sila noong nag-meeting kami sa Viva. May ibang gags na hindi na puwedeng masyadong gawin kasi hindi na ako ganoon kalaki. I think, lahat naman tayo’y may mga hindi lang kabobohan, may pagkakamaling nagawa sa buhay natin pero laging naaayos,” paliwanag ng singer/TV host.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield