KAHIT FIRST time gumawa ng horror film si Wenn Deramas, buong-ningning na ipinagmamalaki nitong kakaiba ang dating ng kanyang Maria Leonora Teresa na pinagbibidahan nina Iza Calzado, Jodi Sta. Maria and Zanjoe Marudo under Star Cinema. Kinarir ni Direk Wenn ang pelikulang ito, binusising maigi mula sa technical aspect, editing, scoring, etc.
Maging ang mga artistang nagsisiganap, siniguro ni Direk Wenn na makatotohanan ang kanilang acting performance. Kailangang ma-capture niya ang facial reaction sa bawat eksenang kukunan. Ayon sa box-office director, mas mahirap gumawa ng horror film kaysa drama or fantaserye. Kailangang maging effective sa audience ang mga nakatatakot na eksena.
“Hindi gawang biro ang paggawa ng isang horror film. Kailangang ma-thrill, matakot sila para masabi mong effective sa kanila ang pelikula mo. Bata pa lamang ako, mahilig na akong manood ng horror film. Hanggang ngayon watch pa rin ako,” say ng award-winning director.
Confident naman si Direk Wenn sa kinalabasan ng MLT. Aangat daw sa kinauupuan ang manonood at titili nang walang humpay ang mga ito sa nakatitindig-balahibong eksena sa kuwento nina Iza, Jodi at Zanjoe. Namatay ang kanilang mga anak sa isang aksidente at dito nagsisimula ang kuwento. Big scene ang ekseang ‘yun na kinunan sa tulay ng Marikina. Isang daang extras, buses, 2 ambulance, 2 fire trucks at helicopter shot ang ginamit ni Direk Wenn para maging realistic ang eksenang ‘yun. I’m sure, another box-office success ang Maria Leonora Teresa.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield