NAGPUPUYOS SA GALIT si Direk Wenn Deramas dahil sa isang artikulong ifinorward sa kanya sa kanyang facebook account. Merong isang blog na hindi niya alam kung sino ang sumulat.
Basta ang pangalan ng blog ay “Lilok Pelikula” kung saan puring-puri nito ang pelikulang Kimmy Dora ni Eugene Domingo.
“Ako, kung me pelikula ako, tapos, lalaitin mo, okay lang, eh. Pero ‘yung hindi ko naman pelikula at pupurihin mo ang pelikula at my expense, teka muna. Tama ba ‘yon?
“Pinuri-puri ang Kimmy Dora, fine. Maganda naman talaga. Aba,eh, sabihin ba naman ng sumulat na sana, eh, matuto ako ke Direk Joyce Bernal?
“Teka, hindi ako kasama sa pelikula para idamay pati pangalan ko.”
Sino ba ang sumulat?
“Hindi ko nga alam, eh.Kung kilala ko lang ‘yon, hinahamon ko, sasapakin ko, eh!”
O, di ba, palaban si Direk Wenn? Boksingerong-boksingero ang dating.
Kimmy Dora, nakakaaliw!
IN FAIRNESS, NAPANOOD namin ang Kimmy Dora at nakakaaliw siya. Hindi siya nakakainip. At very natural ang comedy sa mga eksena. Napanood pa namin ito sa SM San Fernando.
At doon namin nalaman na 100 pesos lang pala doon ang bayad sa sine, hindi katulad dito na 130 hanggang 160 ang pay mo sa sine.
Si Eugene talaga, ang husay niya sa dalawang characters. Inisip nga namin kung sino pa ang isang bagay sa dual role na ‘yon, eh. Parang si Rufa Mae Quinto ang swak na swak sa role.
Kung hindi n’yo pa napapanood, watch na kayo, hindi n’yo pagsisisihan.
‘Wag nyong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.
Read Ogie Diaz’ Blind Item: Young actor, hindi raw pumapatol sa bading?
Oh My G! by Ogie Diaz