SOBRANG NAHIRAPAN si Wenn Deramas i-direk ang apat na character ni Vice sa pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy ng Star Cinema at Viva Films. Mataas ang expectation sa kanya na maging number one sa MMFF ang kanilang tandem ni Vice.
“Kung hindi naman ibibigay, mamili ka na lang sa ranking 1, 2, 3. Ang hirap kasi, sanay na sanay ako na maraming nakukunang eksena. So, may fulfillment kang uuwi na malapit nang matapos ang pelikula mo. Dito, parang hindi natatapos. To think, July kami nag-start, December na ngayon. Three times a week ang shooting schedule ko, walang pack-up ‘yan, Nag-iisang eksena lang ako sa isang araw kapag ‘yung apat na character ang kukunan ko. Kasi, eight times kong gagawin or nine kasama sina Maricel Soriano. Lahat ‘yan, ‘yung blocking, hindi ka na puwedeng umulit pa. ‘Yung pagpapatung-patong… Itong GBBT ang pinaka-expensive movie to date. Apat na alexa ang gamit ko, walang gumagawa nu’n,” dire-diretsong tsika ng award-winning director.
Maraming tagahanga si Maricel ang nag-react sa naging billing ng kanilang idolo sa GBBT. ‘Yung ibang fans, nag-private message pa kay Direk Wenn na hindi maganda. Sinagot nito ang tungkol sa issue “Hindi ako nakialam du’n (billing & layout ng poster). Sabi, ‘wala ka naman kasing pakialam.’ Ginaganu’n ako. As if, may magagawa ako. Very clear, ang Star Cinema, gagawa ng layout. Hindi nila ‘yan ililihim, dadaan ‘yan sa kamay ng mga manager. So, nahawakan ‘yan ng manager nina Maricel, Boss Vic de Rosario and Sherly Quan. They saw the layout and they said, it’s okay. I think, lakihan lang ‘yung mukha ni Maria du’n (poster).”
Walang kaalam-alam si Maricel sa pangyayaring ito. Ayaw ni Direk Wenn na mag-alala pa ang Diamond Star.
“Ayaw ko namang ma-burden si Maria ng mga ganitong bagay. Hindi naman niya saklaw ‘yan dahil siya mismo walang FB, labas kami du’n. Siya nga hindi nakikialam, lalo na ako. Pero pinaliwanag ko ito dahil sumagot ako sa trend na ibo-boycott daw itong movie namin. Ini-explain ko, hindi ninyo puwedeng sisihin ang gumawa ng poster, kasi approved ‘yan ng mga taong nangangalaga ng career ni Maricel.”
Nagpakatotoo si Direk Wenn na may kaba factor siya baka mag-number one sa takilya ang pelikula nina Vic Sotto at Kris Aquino, Eugene Domingo at ang horror film nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. “‘Yung ‘Pagpag’, siya ‘yung umiba ng genra, tatlo kaming comedy sa MMFF. So, alam kong may sarili ring market ang horror pagdating sa filmfest. Sana walang madehado, alam nating may one, two, three at may pang-number eight. Sana okay lang, basta kumita.”
Kakaiba ngayon ang aura ni Direk Wenn, nagmukhang bata, parang hindi nagkasakit. Nakatulong nang malaki ang pamilya at ang bagong niyang pag-ibig sa maaga nitong paggaling. Maayos ang buhay ngayon ni Direk Wenn sa piling ng kanyang dalawang anak.
“Naka-suporta pa ang lovelife ko. Na-appreciate ko ang lahat-lahat kasama lang ‘yung lovelife. Minsan kasi nakalimutan ko, kaya ako nagtratrabaho para mabuhay. Ang akala ko dati, ang buhay ko ang trabaho, maling-mali.
“Ngayon kaya ako nagtatrabaho para may pangtulong ka, may panggastos ka para mabuhay. At ‘yun ngayon ang ginagawa ko, inaalagaan ko ang sarili ko. Ang ganda-ganda ko ngayon. May salamin, ‘yung reflection kinakausap ako, sumasagot. Hahahaha!”
Malaking factor ang lovelife para kay Direk Wenn dahil may inspirasyon siya. “Dati anak mo, ngayon lumuwag. May dahilan ‘yung pagpapagod mo bukod sa mga anak at sa pamilya. May magte-text, kumain ka na ba Boss, kain ka na ng dinner,” nakatutuwang wika niya.
Seryoso napag-usapan nina Direk Wenn at Vice ang plano nilang pumunta sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda. Hindi lang nila masabi kung kalian mangyayari.
“Pero sana magawa namin. Sabi ko, Vice ang isang pelikula ko dalawang oras ‘yan. Kung magdadala tayo ng dalawa o tatlong pelikulang dire-diretso. Baka ang gagawin na lang nila, kumain at matulog.Kasi, tumawa na sila nang maraming oras. May pag-uusapan sila, dream namin talaga. Sana magawa namin,” pahayag ng box-office director.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield