HATAW NA naman sa takilya ang pelikulang Moron 5.2 The Transformation ni Wenn Deramas under Viva Films. Kahit nasa U.S ang box-office director para sa wedding ng kanyang best friends, updated siya sa resulta ng kanyang pelikula. Nang iluwa ni Direk Wenn ang Moron 5, alam niyaNG may special power sina Luis Manzano, Marvin Agustin, Billy Crowford, Matteo Guidicelli, at DJ Durano para maaliw ang publiko.
Mas hihigitan pa yata ng part 2 ang part 1 dahil sobrang kuwela ang pagpapatawa ng buong cast. Nanay-nanayan kung ituring ng Moron 5 si Direk Wenn. Para ngang nagkaroon ng limang anak ang magaling na director sa katauhan nina Luis, Marvin, Billy, Matteo, at DJ. Kung sa pelikula, mga bobo ang mga ito, kabaliktaran sa totoong buhay.
Say nga ni Direk Wenn, “Si Billy masarap na kaibigan at kausap. Palabiro pero may sense ang kanyang jokes. Luis, kengkoy, may substance kausap at intelligent. Ibang klase naman si Marvin, gagawin niya kung ano ang kaya niyang gawin. Malalim at may substance, that’s Marvin, versatile actor. Si DJ ang pinaka-vocal sa grupo, kung ano ‘yung nasa isip, lalabas ‘yun. Puwede siyang pulitiko. Dating mayor ang tatay niya. At ang pinakabunso ko ay si Matteo, napaka- sincere na tao. Happy ako dahil madali siyang nakapag-adjust sa grupo. Palagi ngang binibiro nila si Matteo tuwing nasa set. Para nga lang kaming naglalaro sa shooting. Hindi nga namin namamalayan, maraming sequences na kaming nakunan.
“Si Matteo, napakabait na bata, masuwerte si Sarah (Geronimo), si Matteo ang naging boyfriend niya. Walang ere sa katawan kahit mayaman ang angkan nito, napaka-down to earth na tao. Everyday, tini-text niya ako, ganu’n kami ka-close sa isa’t isa, kaya anak-anakan ang turing sa mga ito.”
Para kay Direk Wenn, challenge sa kanya ang Moron 5.2 dahil papaano mo nga mapaniniwala ang mga taong manonood ng pelikula niyang bobo sila? “Alam naman natin sa totoong buhay, matatalino sila, pero sa movie bobo ang Moron 5. ‘Yun ang challenge, hindi ganu’n kadali para mapaniwala mo ang audience na bobo ang mga ito. Pure entertainment ang Moron 5.2, sulit ang ibabayad nila sa sine. Ang main objective ko sa pagkukuwento, sila mismo ang magsasabi kung naaliw sila, natawa at ini-enjoy nila ang pelikula ko. Walang pretentions kaya’t naniniwala akong papasukin ng mga tao. Naniniwala kaming mas malakas itong part 2 sa part 1,” paliwanag ng award-winning director Wenn Deramas.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield