PINAGDARASAL NINA Direk Wenn Deramas, Kris Aquino, Vice Ganda at Ai-Ai delas Alas na maging top-grosser ang pelikula nilang Sisterakas ng Star Cinema sa darating na Metro Manila Film Festival.
“Siyempre, gusto ko kami ang mag-number one sa MMFF. Lahat naman siguro ng entries sa festival ‘yun ang gusto,” natatawang sabi ni Direk Wenn.
“In God we trust,” matipid na sagot ni Ai-Ai.
Dugtong naman ni Kris, “Kasi nu’ng 2010, number 3 ako. Noong 2011 na festival, number 2 ‘yung movie, so, it’s about time, this time number one.”
Say ni Vice, “In us we trust.”
Inamin ni Direk Wenn na nahirapan siyang i-edit ang mga eksena nina Kris, Vice at Ai-Ai sa pelikula. Kailangan kasing maging pantay-pantay ang bawat eksena ng tatlo para walang masabi sa kanya na may kinikilingan siya.
“Talagang mahirap i-edit ang pelikula, kailangan talagang maipagmamalaki kong masabi walang magrereklamo kahit sino na tungkol sa pelikula kung bakit mayroon siyang ganitong eksena.”
Ipinaliwanag ni Kris kung bakit siya nag-backout at muli niyang tinanggap ang project na ito ng Star Cinema.
“Actually, may role still exists, but in the initial script I was a man pero naging babae lang. ‘Yung lalaki ang rival niya pero in love siya roon sa rival niya. ‘Yung totoo talaga, honestly, si Vice inaway ako nang bonggang-bonga na nag-backout ako. Sinumpa niya ako at sinabi niya na we’re in this together, kung papasukin natin ito, tayong tatlo. Ang ABS-CBN na ang gumawa ng paraan para mag-adjust ng schedule.”
EVERY YEAR, pasok palagi ang Shake, Rattle & Roll sa Metro Manila Film Festival at palagi itong winner sa box-office. This time, balik horror film si Herbert Bautista sa episode na ‘Ang Pamana’ with Janice de Belen. Ito’y Pamaskong handog ng Regal Films ni Mother Lily na dinirek ni Chito Roño.
The brilliant comedy Prince Herbert is back, five years rin siyang nawala sa limelight. Hindi natin malilimutan ang horror franchise na nagbigay sa kanya ng best actor award for the SRR 1 episode ‘Manananggal’. Nakatatak pa rin sa isipan natin ang mga memorable films na ginawa niya under Viva Films. Ang blockbuster youth oriented flicks like Bagets 1 & 2, Ninja Kids, Hotshots, Kumander Bawang, Captain Barbell, Puto and the remake of Jack En Jill with Megastar Sharon Cuneta na nagkaroon pa ng sequel, Jack En Jill sa Amerika.
As a comedian, malaki ang paghanga ni Herbert sa bagong comedy king Vic Sotto. Para sa actor/politician, gusto nitong sundan ang footstep ng kanyang idol if ever magiging active uli siya sa showbiz.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield