PALIBHASA BOX-OFFICE director si Wenn Deramas kaya’t kabila’t kanan ang movie projects na gagawin niya for this year. Kahit gaano siya ka-busy, naisisingit pa rin niya ang teleseryeng Kahit Puso’y Masugatan nina Iza Calzado, Andi Eigenmann, Jake Cuenca at Gabby Concepcion. Hinulaan ang magaling na director na patuloy ang blessing na dara-ting sa kanya at pawang patok lahat sa takilya ang kanyang mga pelikula.
Labing tatlong pelikula ang naka-line-up na gagawin ni Direk Wenn for 2012 at early 2013. “This time ginagawa namin ang ‘This Guy’s In Love With you, Mare’ with Toni (Gonzaga), Vice (Ganda) and Luis (Manzano) then jump kami sa ‘Sister Rocka’. Kailangan kong gawin ang ‘Demetria’, Maricel Soriano ang bida. Kailangan kong simulan this year ang ‘Boy, Bakla, Tomboy’ ni John Lapus, ‘Moron 5 Part 2’. January next year, kailangan kong simulan ang John Lloyd Cruz at Uge (Eugene Domingo) dahil may playdate nang Sabado de Gloria at ‘Praybeyt Benjamin 2’, say ng comedy director.
Saan nga ba na-pupunta ang mil-yones na kinikita ng award-winning director ng local cinema na si Wenn Deramas? Tumawa lang nang malakas si Direk, hindi sinagot ang aming katanungan. “Tumigil na ako…” ang matipd nitong sabi. Ikinagulat namin nang ipakita ng kanyang assistant through iPad ang naiibang super heroes collection (all original) nina Superman, Wonder Woman, Batman, Incredible Hulk, X-Men, Captain America, Thor at Iron Man. Nakaikot ang mga super heroes (life size) sa kabuuan ng bahay ni Direk Wenn at karamihan ay nakalagay pa sa estanteng salamin (10 pieces, fifteen thousand each) na pinasadya pa ni Direk Wenn. Ultimo kuwarto niya, may naka-emote na super heroes. “Wala pang anim na buwan akong nagko-collect. Sa internet, ‘yung gamit ni Wonder Woman nabili ko, kaya wala na siyang gamit ngayon, nasa akin na. Tunay ang mga ‘yan, bawal ang fake,” tsika niya.
Sobrang ini-enjoy ni Direk Wenn ang pagko-collect ng super heroes. Katuwiran niya, tumataas naman daw ang value nito ‘pag tumatagal na. More than two million ang worth ng super heroes collection ni Direk Wenn. “Una, may ganoon, pa-ngalawa, daig niya ang alahas. May isa akong binili for P25,000 (Captain America). Ngayon ang bilihan, seventy thousand na, kasi sold-out na sa America, ganu’n. Favorite ko si Superman, hanggang bubong mayroon na. Kapag pinagmamasdan ko sila, nakakawala ng stress,” pabirong sabi ni Direk Wenn.
Sa ngayon,balak nang ibenta ni Direk Wenn ang kanyang super heroes collection. “Na-achieve ko na ‘yung gusto ko. Nang magbigay ako ng tseke sa brother ko at nakita ko ang bank book ko, nagulat ako. Ito na lang ba ang datung ko? Mabuti naman at mabait ang Diyos, papasukan niya ng bagong pera pero hindi na ako bibili. Somehow, kapag may naghanap na mga bagong kolektor, ako naman ang magbebenta. Ang maganda sa kanya, hindi bumababa ang presyo kasi, nagiging rare. Kunwari, ‘yung Captain America na sinasabi ko, years ago, P14,000. Nang ako ang bumili, P25,000. Biglang nag-sold-out sa America, nag-P70,000 siya. May bumibili sa akin ng fifty thousand, hindi ko binebenta, although doble na ‘yun. Nang makuha ko si Captain America dalawa sila ni Red Skull for P50,000. Ngayon may bumibili kay Captain America, seventy, okay lang maiwan si Red Skull. Hindi naman siya ‘yung bisyo na walang kuwenta dahil may value siya,” kuwento sa amin ni Direk Wenn na sobrang thankful sa lahat ng blessing na dumara-ting sa kanya. ‘Yun lang.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield