KAHIT BOX-OFFICE director si Wenn V. Deramas, marami pa ring indie directors ang nagtataas ng kilay sa kanyang mga nagawang pelikula. Bilang mainstream director, halos nagawa na niya ang lahat. Pinatawa tayo sa mga nakaaaliw nitong pelikula. Pinaiyak sa ma-dramang teleserye. Tinakot sa horror na Maria Leonora Theresa, na pawang patok sa manonood.
Pangarap din ni Wenn D. na gumawa ng indie film at ilahok ito sa indie film festival. Hindi nga lang sa ngayon dahil sa sobrang hectic ng shooting schedule ng batikang director. Malapit nang matapos ang pang-hapong teleserye niyang Flordeliza nina Marvin Agustin, Jolina Magdangal, at Desiree del Valle.
“Minsan ko nang nasabi sa “Bottom Line” ni Boy Abunda na nagtataray na ako dahil nga ang tingin ng mga indie directors, basura ang aking pelikula. After the interview, iba’t ibang reaction ng mga tao. Kasi naniniwala akong form of entertainment talaga, that’s one. Kung libre ‘yan kahit ano ang gawin mo… Ang sinabi ko lang sa mga indie directors, considering ang gagaling nila, ang ginagawa ninyo kaya kong gawin. Pero ‘yung ginagawa ko, hindi ninyo kayang gawin. Unang-una na ang magpapasok ng tao sa sinehan.”
Sa totoo lang, ilang years nang hawak ni Direk Wenn ang pagiging box-office director sa takilya. Palaging number 1 ang pelikula niya sa Metro Manila Film Festival. “Sabi nga raw ni Madam Charo Santos, kailangan daw magkaroon ng sariling brand ang award-winning director. Kunwari, isang branded na sabon, alam natin mabisa siya sa katawan. Maganda rin siya sa damit. Baka nga maganda rin sa panglinis ng aso kapag tinunaw mo. Pero kailangan mong mag-experiement, ginagawa ko ‘yun. ‘Bekikang’ is so close to my heart being gay. ‘Yung horror film kong MLT (Maria Leonora Theresa), nagtatawanan ang mga tao… Siguro nasa ugat kasi kahit anong seryosong bagay nagagawa kong magpatawa.”
Naikuwento pa nga ni Direk Wenn na atubili noon ang Star Cinema na gawin ang pelikulang Ang Tanging Ina Ninyong Lahat na naging presidente si Ai-Ai delas Alas. Sabi nga nila, coming from “Tanging Ina” na realistic siya, bakit naging presidente? Sabi ko, si Cory Aquino simpleng housewife na naging presidente so hindi imposible kaya natuloy ‘yun. Kailangang maging presidente ka para masabi mo ‘yung linya na ako ‘yung mother.”
Tumatak din sa isipan ng manonood ‘yung eksena sa pelikulang Bekikang ni Direk Wenn na sinabunutan, sinampal ni Joey Paras si Carla Humphies. Na experience ba ito ni Direk Wenn sa totoong buhay? “Nagawa ko sa stageplay… siguro nakasampal. Boyfriend ko ito, hindi ko na siya boyfriend nang nagawa ko ‘yun, nasa college ako pero isang sampal lang.”
Siyempre napag-usapan din ang mga mhin sa buhay ni Direk Wenn. Ilang lalaki na nga ba ang dumaan sa kanya? “Siguro ‘yung minahal can count… puwede kong mabilang. Pero ‘yung dumaan kasama na rito ang fling, one night stand, hindi ko na mabilang, I can’t count. Kaya nga nagagandahan ako sa sarili ko. Hahaha!”
Kung minsan nga raw, pinag-uusapan si Direk Wenn ng mga close friends niya. Anong agimat, karisma mayroon ito para makuha nito ang bawat mhin na magustuhan niya? Curious sila kung bakit lapitin ng mga lalaki ang magaling na director. “Hindi ako ‘yung malibog na pakangkang… Dumaan din ako sa stage na ‘yun, naging prostitute din ako. Naging takilya queen ako… Sabi nila, iba raw ‘yung charm ko sa boys. Wala pa akong pera noon…” natatawang pahayag ni Wenn D.
Binanggit rin ni Direk Wenn sa best friend niya ang present boyfriend niyang si Braveman na naka-one year na at nag-anniversary na sila. Nang ikinukuwento niya ito, sabi ng BFF niya, “Bakit lahat ng ginugusto mo, gusto ka rin? Hindi naman natin masasabi na director ka kasi college pa lang tayo ganyan ka na. Bakit ako, wala? Ano nga, bakit ganu’n? Anong mayroon ka?”
“Sabi ko, hindi ko alam. Hahaha! Naggaganyanan kami…” aniya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield