AS PRODUCTION designer, kakaiba ang magic touch ni Dani Cristobal. Malawak ang kanyang imagination sa paglikha ng mga dIsenyong kailangan sa set at istorya ng isang pelikula o TV show. Nagsimula bilang art director kay Manny Morfe (award-winning production designer ng local cinema) bago naging personal PD ni Wenn V. Deramas.
Naikuwento ni Dani kung papaano nag-krus ang landas nila ni Wenn D. Nagkataong nangangailangan si Direk Wenn ng PD para sa pelikula niyang Panaginip ni Jolina Magdangal ng Star Cinema. Si Manny ang nagrekomenda kay Dani sa award-winning director for this project and the rest is history. Hindi na mabilang ang mga pelikula at seryeng pinagsamahan nilang dalawa.
Sobrang happy kasi ang box-office director sa mga creative design ni Danny C. na swak sa bawat pelikula at TV show na ginagawa niya. Naibibigay nito ang kinakailangang ambience sa mga eksenang kukunan ng mga aktor na nagsisiganap. “Kinakailangan ‘yung artista mag-match ‘du’n sa character nila. Okay ‘yun kay Direk, pasado sa kanyang taste. Hindi na niya ako binitawan hanggang sinabi niya sa akin, ‘Huwag mo na akong iwan, nagkasundo na tayo.’ Hindi ka mawawalan ng trabaho kay Direk Wenn, alternate ‘yun, movie and TV show,” pasimulang sabi ni Dani C.
“Sabi ko, go at saka may freedom akong gumawa ng sarili kong design na isa-submit ko sa kanya, aprubahan naman niya. Ang nakakatuwa pa, sasabihin niya sa akin, ‘Ikaw na ang bahala.’ Sobrang trust ang ibinigay niya sa akin na babasahin lang niya ‘yung lahat ng set design, costume, ipapakita ko lang sa kanya, lahat approved, magdadagdag lang ng gusto niya. ‘Yun lang biglaang requirement sa set.”
Hindi na nagkahiwalay sina Dani at Direk Wenn magpahanggang ngayon. Hindi lang sila magkatrabaho, the best of friends ang turingan nila sa isa’t isa.
Sa sariling pananaw ni Dani, papa’no niya ide-describe si Wenn V. Deramas as a person and as a director? “Super, mega great. Lahat yata ng adjective puwede ko nang gamitin sa kanya. Ang talino iba, matalino sa diskarte sa pagsusulat. Kumbaga, sa pelikula pa lang, kapag may script na mahabang-mahaba, nai-edit niya agad. Ang trabaho gumagaan, bumibilis. Maaga pa lang, sinasabi niya ang gusto niyang gawin. Fullfilment ‘yun para sa akin, nandu’n na ‘yung ang sarap ng feeling. “
Minsan may pangyayaring tumatak sa isipan ni Dani kung papa’no siya ipinagtanggol ni Wenn D. sa isang director. May isang director na bumisita sa set, “Sabi ko, excuse me po, Direk, may itatanong lang po ako regarding sa ganito ganyan. Sumagot ‘yung director, ‘Pinangungunahan ‘yung director…’ Sabi ko naman, ‘Sorry po.’ Sabi ni Direk Wenn, ‘Ah, hindi, talagang ganyan. Mayroon na kaming usapan tungkol sa bagay na ‘yan.’ Natuwa naman ako, lalo akong na-in love kay Direk. Buti pa si Direk, naiintindihan niya ako.”
“Kung ide-describe ko si Direk Wenn, heaven. Kailangan mayroon kang sense of humor, sense of touch. At saka dapat mo siyang i-feel kung ano ba ang kailangan ng taong ‘yun para hindi magalit. Kasi ang taong galit na nagtatrabaho, so lahat maaapektuhan. Sila sobrang takot kay Direk Wenn, kasi kapag nagalit si Direk, ipakikita niyang galit siya. Malinaw siyang kausap to the point na kung ano ang gusto niyang sabihin,” say ni Dani.
Bonding moment with Direk Wenn? “Kapag gusto niyang lumabas, kakausapin ka niya. Binibilang ka niyang kaibigan, kapamilya. Kapag nagyakag ‘yan, hindi ka puwedeng tumanggi, kasi ang sayang kasama. Du’n nabubuo lahat ‘yung parang bonding na hindi mo napi-feel sa iba. Mayroon siya everyday na pinadadala na mga Bible message. May konek pa rin du’n dahil matutulog ka na lang, gigising ka ng umaga mayroon kang ganu’n message of wisdom. Ang sarap ng feeling, ayaw niya kayong maghiwalay. Nandu’n pa rin ‘yung bonding ninyo parati,” pahayag pa ng magaling na production designer.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield