NANINIWALA SI Direk Wenn Deramas na ang talent kung minsan may bad timing at may perfect timing . “Kapag ganyan ang mga talent, parang mga dragon na ‘yan, mga superstar na ’yan. Sleeping dragon lang naman ‘yan, maghintay kang magising. That’s what happened to “Momzillas”, tama ‘yung project. When I say, comeback, hindi ibig sabihin namahinga siya (Maricel Soriano) sa comedy at matagal siyang hindi gumawa ng comedy at ito ‘yun. Maganda ‘yung combination nila ni Eugene Domingo,” say ng box-office director.
Sa tingin kaya ni Direk Wenn, vindicated si Maricel sa lahat ng issue tungkol sa kanya dahil kumita ang comebacking movie niya? “I’m sure, hind iniisip ni Mary ‘yun kasi wala nga siya sa ganu’nG consciousness. Sa kanya, work ang lahat, tapos tahimik siya, kasama ang aso niyang si Bella. Tao ‘yung may sinabi dati, hindi ko puwedeng sabihing vindicated kasi this is the same people, pinag-usapan siya ng naghusga sa kanya. I’m sure, ito rin ang nanood ng pelikula niya. For me, sila mismo naniniwala kahit ano pa ang sabihin mong ginagawa ni Maricel, nangyari kay Maricel. Ang bottom line ng lahat, manonood ang tao, nandu’n ‘yung talent. Hindi naman nila panonoorin ang “Momzillas” kasi may ganitong controversial si Maricel noon. Kasi, nakita nila sa trailer, nakakatawa. That alone, nanaig ang talent,”pahayag niya.
Ayon kay Direk Wenn, aside sa movie ni Maricel with Vice-Ganda na pang-filmfest. May inalok si Boss Vic del Rosario na other movie project sa Diamond Star at siya rin ang magdidirek nito. “Hopefully, magawa ko siya 2014, may movie pa siyang gagawin. Galing sa isang book kay Bob Ong.”
Takot nga ba si Direk Wenn na magpa-direk si Vice-Ganda sa ibang director? “Wala naman siyang sinasabing takot ako kung ibang director. Lagi niyang sinasabi, why rock the boat? Sabi niya, ‘okay tayong dalawa. Huwag nang sirain pa ‘yun, kumikita ang mga pelikula natin’. As a matter of fact, ang “Pribeyt Benjamin 1” ay nakarating sa Okinawa, Japan, na-nominate kahilera ng “The Artist”. Nakakaloka ‘yun, naiintindihan ko ‘yun, maganda ang relationship namin ni Vice. Sorang okay kami ni Vice, mahal ko ‘yun. So, tama siya, why rock the boat? Pero at the same time, sinasabi ko rin sa kanya, hindi naman natin sinasabi na huwag na tayong magsama. Ang sabi ko lang sa kanya, i-try mo ang ibang director. Parang Ai-Ai, marami kaming ginawa, at the sametime gumagawa rin siya sa iba.”
Kung si Direk Wenn ang pipili ng magiging director ni Vice-Ganda, sino sa mga comedy director ang puwedeng maging director nito? “Iilan lang ba kaming gumagawa ng comedy? Tapos nanonood naman ako ng pelikula ni Chris Martinez. Natutuwa ako sa kanyang comedy, so siyempre, ‘yung mahal mo ang isang tao, iendorso mo ito sa isang taong magiging maayos ang lagay niya. Ako naniniwala ako sa husay ni Chris Martinez, kasi writer din ‘yan.”
Inamin ni Direk Wenn na may mga changes siyang napansin kay Vice habang ginagawa nila itong Girl, Boy, Bakla, Tomboy. “ Siya mismo nag-aaral, kinakarir niya ‘yung bawat character. Siguro more than sa akin, mas may pressure sa kanya dahil siya lang ang may record sa takilya, wala namang iba. So, pagdating dito sa apat siya, kung ‘yung isang character na pi-pressure siya what more ‘yung apat siya. Ako, kung anu’t anuman man ang kahinatnan nito sa takilya, alam kong hindi madedehado si Vice,” aniya.
‘Yung pagiging controversial ni Vice-Ganda, sa tingin kaya ni Direk Wenn nakatulong ito nang malaki sa career nito? “Sa akin, lagi akong naniniwala, sinasabi ko rin kahit anong klaseng publicity ‘yan, good or bad eh, publicity pa rin. Bawat galaw mo, naisusulat, napapansin, ganu’n dati kaya napakasaya ng showbiz. Minsan nga ‘yung artista na ang gumagawa ng dahilan para isulat siya. Walang sakit, nagpapa-hospital, magko-comment para makipag-away lang, tapos nu’n magbabati. Ngayon kasi, ingat na ingat sila, sana ang kinuha nating artista ay madre at pari kung ang babait pala ang gusto ninyo. ‘Pag sinabi mong artista, artist ‘yan, may mood ‘yan, may ugali ‘yan. Ang sa akin, ang paniniwala ko d’yan, it has something to do with endorsements. Kasi kailangang malinis ‘yung image n nag-eendorso, hindi puwedeng mabahiran. Hindi ganu’n, tao ‘yan. Ang sa akin, iniingatan ako, ang dami kasing ini-endorse nito so dapat ganito ang role. Gawin mo, ang buhay ni Mother Theresa, Pope John Paul, ‘di ba? Ang lilinis ng nangyayari sa buhay nila. Sa status ni Vice-Ganda, dapat may nangyayari, may nababasa,” makabuluhang sagot ng magaling na director Wenn Deramas.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield