KAHIT PALAGING nasa cast ni Wenn Deramas si DJ Durano, walang nagtatanong sa press kung bakit? Ngayon nga, kasama sa cast ang actor sa Moron 5.2 The Transformation. “P’wede nilang gawin ‘yun. Out of respect din, hindi nila ginawa sa akin. Ngayon kapag may ganitong event, okay ako sa kanila,” bungad ng box-office director.
Always on the go na naman si Direk Wenn, in love na naman ang award-winning director sa isang non-showbiz guy. “May boyfriend ako ngayon, hindi celebrity. 3 months na kami. Kaibigan siya ng kaibigan ko, so nakita ko siya. Nakita ko ‘yung picture ng kaibigan ko na kasama siya. Sabi ko, sino ‘yan? ‘Yun, may sarili siyang negosyo. Nandu’n siya sa ‘Maria Leonora Teresa’, bisyo ko na ‘yung ilagay ko siya sa pelikula.”
Kahit gaano ka-in love si Direk Wenn sa isang lalaki, never sumagi sa kanyang isipan ang magpakasal? “Hindi ako naniniwala… Pinaghirapan ko ang yaman ko, ihahati ko sa kanila. May divorce sa abroad pero hindi maaaprubahan dito sa atin. Hindi ako naniniwala sa concept na ‘yun. ‘Yung kasal, sa babae at lalaki. Kapag nangyari pa sa aming mga bakla baka magpatiwakal kayong mga babae,” nagbibirong turan ni Wenn D.
Sa mga past relationship ni Direk Wenn, anong lesson ang natutunan niya? “Wala. As a matter of fact, kaya kami magkaibigan n’yan kasi it’s bound to happen, tanggap ko ‘yan. From the very start, walang forever. Magandang foundation ng isang tao na alam mong lahat na may katapusan. Alam mo ‘yun at ready ka. Kapag nangyari ang paghihiwalay, buo ka pa rin. Ibigay mo nang todo, naibigay mo ang lahat-lahat, wala kang regret. Kaya kami naging magkaibigan, wala kaming sumbatan. Walang ganu’n, naibigay mo, eh, wala na. Parang toothpaste lang ‘yan, pindot ka ng pindot eh, naubos. Bili ka ngayon ng bago. Hindi ako nauubusan ng pagmamahal,” makabuluhang pahayag ng magaling na director.
Ano ‘yung hindi kayang ibigay ni Direk Wenn sa taong mahal niya? “My love. I can give my time, I can give my money. I can give anything, but I can’t give my love, akin lang ‘yun. Kunwari, mahal kita, akin ‘yun, kasi mahal kita. Hindi ko p’wedeng ibigay sa ‘yo. Kapag binigay ko sa ‘yo katapusan natin pareho.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield