YEAR 2005 nang maisip ni Direk Wenn Deramas gawin ang Maria Leonora Teresa bilang teleserye. Hindi natuloy dahil ginawa niya ang Walang Kapalit at Maligno. Hindi puwedeng magkasunud-sunod na horror dahil ‘yun ang na-expeirence niya sa Maligno. Naisantabi na lang ang concept ng MLT.
Until na ginagawa ni Direk Wenn ang Bromance ni Zanjoe Marudo, sabi nga raw ni Enrico Santos sa kanya, “Mayroon kaming management conference sa Cebu. Mayroon ka bang gustong gawin? Sabi ko, “baka ‘yung horror ko puwede nang gawin, ang Maria Leonora Teresa.” Gandang-ganda sila, approve kaagad, pagbalik niya. Apat na pelikula ako nu’ng 2011, so the next year ko nagawa ito na nga 2014.
Nakaiintriga ang title ng MLT, pangalan ito ng dating manika ni Ate Guy noong kasikatan ng loveteam nila ni Tirso Cruz III na siyang iniregalo ni Pip sa Superstar. Bakit nga ba ito ang title ng horror movie ni Direk Wenn? “Hindi akin ‘yun (MLT). Si Tita Malou Santos, Noranian ‘yan. Guy & Pip ‘yan. Sabi ni Tita Malou, Maria Leonora Teresa, dahil doll ang original title ko. Tatlong bata ang bida kaya Maria Leonora Teresa. Ako naman, kuha ko agad, bata ako nu’ng ipanganak si Maria Leonora Teresa, 6 years old yata ako nu’n,” ang naging sagot ng versatile box-office director Wenn. Ikinuwento pa niya na binigyan din ni Bobot (Edgar Mortiz) si Ate Vi ng manika. I-research daw namin ‘yung pangalan ng manika.
Para kay Direk Wenn, mas inisip nila ‘yung maiaambag na kasikatan nu’ng manika sa pelikula. Kaya ‘yun ang naisip nilang gawin. “Bilang producer, bakit ka gagamit nang ikasisira ng pelikula? Hahanap ka ng sikat para makatulong sa pelikula. Dapat matuwa sila, ‘yung nakalimutan na pinaaalala mo. Nababanggit si Nora dahil may pelikula siyang ipapalabas, kasunod namin. Kapag sinabi mong Maria Leonora Teresa, si Ate Guy ‘yan, nagtutulungan kami,” paliwanag nito.
Wala bang balak si Wenn Deramas na gumawa ng indie film sa Cinemalaya? “Gusto ko, may 5 pictures ako a year na tinatanggap ko. Katulad ngayon, apat dapat ang gagawin ko. ‘Yung kay Ai-Ai (Delas Alas ), ginawa na ni Mae Cruz ngayon with Kim Chiu. Gusto kong gumawa, hindi lang indie film na pelikulang gusto ko. Dahil kung mayroon man akong balak, unang sasabihin ni Boss Vic (del Rosario ), sige ibigay mo sa akin. Si Boss Vic ang magpi-finance nu’n. Gusto ko pagdating ng panahon na naka-focus ako d’yan. ‘Yun lamang ang gusto kong gawin, may ganu’n tayo, ‘di ba? May ginagawa tayong pangkabuhayan ay may pangkaluluwa, ‘yun.”
Reaction ni Direk na tinanggihan daw ni Judy Ann Santos ang pelikula niya? “Nang sinabi na hindi na si Juday, kaysa maging problema naming dalawa, hindi rin namin pinag-usapan. Hindi ako nagtanong sa kanya kasi, hindi ako part ng usapan. Father’s Day, binigyan niya ako ng pagkalaki-laking bulaklak sa bahay, June. Ibig saibhin, wala kaming issue. Nagpaalam sa kanya si Iza Calzado nang pagkahusay-husay. Kailan lang nagpadala na naman siya ng pagkain sa bahay. Ibig sabihin, kaming dalawa, wala talaga,” paglilinaw ni Direk Wenn tungkol sa issue.
Kahit hindi natuloy ang movie project nina Direk Wenn at Judy Ann, may TV project sila together sa Kapamilya Network. “Excited ako dahil may binibigay sa akin si Deo na serye para kay Juday. Tinanggap ko, anytime ready ako. Ang TV, three times a week ang schedule ko kasi ‘yun ang aking guaranteed contract,” say ni Wenn D.
This September, magse-celebrate ng kanyang 18th birthday si Direk Wenn pero hindi sa kanyang townhouse sa Fairview gaganapin ang special na event na ito. Ginagawa niya ito bilang pasasalamat sa lahat ng blessing na dumarating sa kanya at sa supportang ibinibigay ng mga taong tunay na nagmamahal sa butihing director. Hindi na nga mabilang ang mga taong kanyang natulungan sa labas at loob ng showbiz pati sa financial na aspeto.
Pero tahimik lang si Direk Wenn, hindi nito ipinagmamaingay ang ang mga bagay na ito. Ibinabalik lang ng niya ang biyayang ipinagkakaloob ng Poong Maykapal.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield