ANG PELIKULA niyang The Road ang halos humahakot ngayon ng good reviews sa ibang bansa bilang internationally- acclaimed film. Ngunit, bago ito pumalaot, isa ako sa mga mapalad na inimbitahan ng GMA-7 upang pagkatiwalaang makapanayam ng one-on-one ang mga artista ng The Road. Sa aming pag-uusap siyempre andu’n namang kulitin ko sila hindi para masira kundi para lalong lumiwanag ang kuwento ng ating bida.
Umpisahan na natin ang kuwentong director kay Direk Yam Laranas. Ah, Direk nakapanood ako ng pelikula, ano ang kinalaman nito sa “The Road”. I remember kasi para s’yang father and son na American film s’ya, para silang naglalakad nang naglalakad. “Ah, that’s by McCarthy… ah, iba… iba. Wala… wala, sa title lang magkaparehas.”
At least iba ito at horror film? “Ah, actually, hindi naman s’ya ginaya at magkaiba talaga.”
Ang aking binabanggit ay ang: The Road 2006, isang nobela na isang holocoust post-apocalyptic tale ng Amerikanong author na si Cormac McCarthy. At ang iba pang mga sumusunod na katulad pang pamagat ay ang The Road (2001 film) na Kazakhstani film; La Strada (film), a 1954 film by Federico Fellini. The Road (album), a 2011 album by Mike The Mechanics, “The Road”, a song by Tenacious D from their 2001 album Tenacious D, “The Road” (Frank Turner song), released in 2009, The Road (Jack London), a 1907 memoir by American author Jack London. The Road, a 1931 novel by British writer Warwick Deeping. Pero giit ni Direk, iba ito at sa title lang talaga magkaparehas.
Ang The Road ay isinulat at idinirek ng critically-acclaimed director na si Yam Laranas na siya ring pamosong nag-direk ng “Sigaw/ The Echo”. Ang mga artista ng The Road ay sina: Alden Richards, Rhian Ramos, Barbie Forteza, Carmina Villaroel, Louise Delos Reyes, Marvin Agustin, TJ Trinidad, Yam Laranas and Ynna Asistio.
Sa bagay, parang mga songs ‘yan. Minsan, nagkakahawig ang title pero magkaiba ng composition, rhythm at tune of music. Well, for me, this is really great, to let our film explore the local up to the international film scene. Ibahin natin ang topic dahil horror naman ang kuwento nitong The Road. “Nakaka-takot talaga ito kasi isolated talaga s’ya, eh. Ang dilim-dilim walang kuryente doon sa location ng shoot.”
Pero grabe, ha? Kakaibang masterpiece ito ni Direk Yam Laranas. Naalala ko, kumuha rin ako ng workshop dito sa GMA-7 ng Film & TV Productions. Eh, kasi, pangarap ko rin na one day gumawa din ng indie at mag-direk. Makahingi nga ng advice, hehe…. Katulad ko kung gusto ko, paano ba ako mag-start? “Kailangan, meron ka dapat project work, eh. Kasi kapag hindi mo s’ya gagawin, walang mangyayari. Ah, ngayon kasi dapat double effort, eh. Kasi at start it’s hard. Nevermind the technology, kasi easy na ‘yun, kasi and’yan na ‘yan, eh.”
Ibig sabihin ni Direk eh, ‘yung mga digital films. “Kapag nakita mo ‘yung The Road, iba s’ya. Lalo na ‘yung photography, kasi ‘yung background ko, sa visual arts kasi. I was a UP Fine Arts. Very influenced din ako ni Amorsolo. Makikita n’yo ‘yun sa pelikula.”
Whoah! Kaya naman pala, artist talaga si Direk Yam. Sa bagay, marahil sa panahon ng globalization ay dapat lamang na paunlarin natin ang sariling atin sa larangan ng sining sa pelikula. Kaya isa na itong The Road sa maipagmamalaki natin internationally.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments, e-mail: [email protected], [email protected], cel. no. 09301457621.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia