HINDI maiwasang ikumpara si Direk Carlo J. Caparas sa anak niyang si Ysabelle Peach Caparas na nagdirek ng pelikulang Jacqueline Comes Home ng Viva Films na showing simula ngayong July 18. Sino raw ba ang mas magaling sa dalawa?
Sa advance screening ng pelikula held at SM Megamall last Monday, July 16, curious kaming pinanood ang directorial debut ni Peach. Sa totoo lang, iba ang style niya compared to his father.
Palibhasa’y bata kaya mas bago rin ang kanyang filmmaking approach. Hindi niya ginawang linear ang story telling ng Jacqueline Comes Home. Hindi ito yung usual na pelikula na ikukuwento ang istorya chronologically.
Medyo may lito factor nga lang sa simula pero pag buo mong napanood ang pelikula, you will understand na yon ay istilo ng director para ilabas ang kanyang artistic license.
Hindi mo rin nga aakalain na babae ang director ng pelikula lalo na sa execution ng rape scenes nina Donnalyn Bartolome at Meg Imperial. Though, wala namang breast exposure, pero yung mga shots ay nakakadagdag ng takot sa eksena.
Maiinis ka rin sa character nina CJ Caparas at Ryan Eigenmann na gumanap bilang dalawa sa rapists ng Chiong sisters. Sabagay, with Ryan, obvious naman kung gaano siya kagaling. Pero si CJ na kahawig ni Jinggoy Estrada sa screen, ay surprisingly bagay magkontrabida.
Dalawa pa sa very important character ng Jacqueline Comes Home ay sina Joel Torre at Alma Moreno na gumanap na parents nina Meg at Donnalyn.
Anyway, Direk Peach is a very promising director. And part of his brilliance, she owed ito sa daddy niyang si Carlo J. na bukod sa pagiging director ay tinagurian ding “komiks king” ng Pilipinas.
Catch Jacqueline Comes Home in cinemas nationwide and find out what really happened to the Chiong sisters 21 years ago.
La Boka
by Leo Bukas