ISINULAT ang “The Miranda Bomb” ni Carlos Palanca Award-winning writer-director-producer Njel de Mesa para magpaalala kung paano nagkawatak-watak ang sambayanang Pilipino nung 70s hanggang ngayon. Itong proyekto ang pagbabalik sa showbiz ni Cheska Ortega, na dating ka love team ni Sam Concepcion.
Halaw sa mga katotohanang ibinunyag ni Victor Corpus at Ruben Guevara ang kwento ng pelikula na tungkol sa isang foreign correspondent na nakakalap ng impormasyon na nais pabagsakin ang noo’y administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos at pagmukhain na siya ang nagplano ng pagbomba sa Plaza Miranda.
Ito na ang pangatlong pelikulang inilabas ni Direk Njel de Mesa ngayong taon matapos ang matagumpay na release ng kanyang pelikulang “Al Coda” starring Gerald Santos at Marion Aunor, “Coronaphobia” starring Daiana Menezes, Will Devaughn, Paolo Paraiso, etc.
Ang kanyang mga susunod na project ay ang “Subtext” kasama si Ciara Sotto, Paolo Contis, at “Ghost Informants” kasama naman sina Nick Banayo, Ynez Veneracion, Dennis Padilla at marami panh iba.
Nang mapanood namin ang Al Coda na idinirek ni Njel ay na-impress kami dahil relatable ang short film na ginawa niya tungkol sa dating magdyowa na nagkahiwalay dahil a mga personal na isyu pero muling nagkita at nagkabalikan.
Pero bukod sa pagkakagawa ni Njel ng Al Coda ay remarkable din para sa amin ang husay niya bilang actor sa pelikula. Siya kasi ang gumaganap na boss o may-ari nh recording studio na pinagtatrabahuhan ni Gerald Santos na ex-girlfriend naman ng karakter ni Marion Aunor.
Palibhasa’y isang award-winning writer kaya natural na rin sa direktor ang umarte at magbitaw ng mga dialogues. And I hope na makita pa namin siyang umaarte sa ibang proyekto ng NDM Studios.
Mapapanood nga pala ang mga short films ni Direk Njel sa Youtube at sa iba pang social media platforms nang libre.