UMAASA ang director ng Triptiko na si Mico Michelena (Miguel Franco) na panonoorin din ng mga tao ang pelikula niyang kasali sa kauna-unahang Pista ng Pelikulang Pilipino na magsisimula sa Aug. 16 dahil sa precedent na nilikha ng pelikulang Kita Kita nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi.
“With the success of Kita Kita, I think what it shows is that yung mga tao are looking for something new.
“Nabuhayan ako dahil puwede eh. Magandang ano siya, precedent siya na merong need and want for new story telling and stories basically,” sambit sa amin ni Direk Mico.
May tatlong istorya ang Triptiko. Ang kay Kean Cipriano ay may title na ‘Musikerong John.’ ‘Hinog’ naman ang kay Joseph Marco at ‘Suwerte’ ang title ng kay Albie Casino.
“Kaya ko ginawang trilogy dahil I want to offer something more. I could have gone one story pero baka medyo maging limiting, eh. So nung I decided to make it three stories, I think I was able to offer more than don sa usual offerings ng mga filmmakers – kasi nga dahil may variety.
“These are three good stories at yung characters are very relatable. It’s not hard at kahit yung mga masa ma-appreciate nila ito,” paninigurado ng director.
Graded A ng CEB (Cinema Evaluation Board) ang Triptiko na masuwerte ring idi-distribute o ire-release ng Star Cinema.
La Boka
by Leo Bukas