Idol kung ituring ni direk Dante Nico Garcia si Roderick Paulate kaya hindi namin maisip kung bakit naimbiyerna sa kanya ang komedyante while shooting Oh, My Girl! at nag-walkout ito.
Ang kuwento, nagkaroon ng miscommunication sa call time ni Roderick. Napaaga ang kanyang pagpunta sa set ng nasabing pelikula dahil mali ang ibinigay sa kanyang oras ng isang production staff.
Okay lang naman kay Roderick ang maghintay dahil alam naman niya ang nature ng kanyang work. Ang kaso, ilang ulit na raw sinabihan ang komedyante na take na niya, pero hindi naman pala. Doon nag-init ang ulo ni Roderick. Feeling kasi niya, hindi alam ng staff kung talagang kukunan na siya o hindi pa.
Ang talagang nagpainit nang husto sa ulo ng komedyante ay nang sabihan siyang kukunan siya ng VTR interview para sa movie. Ayun, nagtatalak ito na hindi siya nagpunta sa set para magpakuha ng VTR kundi para mag-shooting.
Oo nga naman.
Then, pinuntahan ni Roderick si direk Dante at tinalakan. Hiyang-hiya naman daw ang director at humingi ng dispensa sa kanyang idolo.
Yes, hindi talaga si Juday ang rason kung bakit nag-walkout si Roderick kundi ang kanilang director.
Ambitious. ‘Yan si Piolo Pascual.
Given a chance kasi, feel niyang i-produce ang isang pelikula na katulad ng Ocean’s Eleven na nagtampok noon kina George Clooney, Brad Pitt, Casey Affleck.
Say niya, if ever na matutuloy ang mala-Ocean’s Eleven niyang movie, kukunin niya ang mga kaibigang sina Vhong Navarro, John Lloyd Cruz, Luis Manzano at iba pang kasama niya sa ASAP.
In the meantime, busy si Piolo sa pagpo-promote ng first production niya, ang Manila na nagsimula nang ipalabas ngayon. Proud si Papa P sa kanyang produkto lalo pa’t pawang magagaling ang kanyang mga artista rito.
Sabi ni Piolo, he wants to explore other avenues sa entertainment kaya napapayag siyang mag-produce. Actually, sina direk Raya at Adolf Alix, Jr. ang kinumbinse sa kanya na i-try na mag-produce ng pelikula. Ibang excitement daw ang dala nito sa kanya. Tuwang-tuwa nga siya nang maging opening film ang Manila sa kabubukas na Cinemalaya V Philippine Independent Film Festival noong isang araw sa CCP.
Nagpapasalamat si Papa P dahil sa pagkakataon na makasama sa Cannes Film Festival ang kanyang unang iprinodyus na indie film. Isang malaking honor iyon para sa kanya.
True ba na matsutsugi na ang show ni Bossing Vic Sotto na Ful Haus sa GMA-7 ?
Ang latest kasi, ilang episode na lamang daw at goodbye na sa ere ang nasabing show kung saan kasama ni Bossing Vic ang dyowa niyang si Pia Guanio. Basta sinabihan na daw ang staff na magba-babu na sila sa ere para makapaghanda sila.
May nagtsika rin sa amin na puro daw kapalpakan ang nangyayari sa isa pang show ni Vic, ang Who Wants To Be A Millionaire sa TV 5.
Minsan daw kasi, walang audio at nahahalatang hindi pa fully-adjusted ang production staff ng show kaya maraming technical problems ang hindi kaagad nasosolusyonan. Ang nakapagtataka, taped show ito kaya bakit daw may ganoon pang kapalpakan. ‘Yan ang itsinika sa amin ng isang friend, ha?
Anyway, despite the kapalpakan and all, guaranteed naman daw na magtatagal pa ang show sa ere. Three seasons daw kasi ang itatakbo nito kaya mahaba-haba pa ang exposure ni Bossing Vic.
With this, mahaba-haba pa rin ang time para maikorek ng production ang ilan nilang technical problems.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas