[imagebrowser id=193]
MAINIT ANG usaping Reproductive Health Bill sa ating mga Pilipino, na siya rin namang pinag-dedebatehan sa Senado kung ano nga ba ito at ano ang talagang tunay nitong isinusulong upang maintindihan ito ng karaniwang mamamayan? Ito ba ang sagot sa lumulobong populasyon ng bansa?
Nitong 2012 ay pumalo sa 97.6 milyon ang tao sa Pilipinas, ayon sa Commission on Population. Sa 2014, ayon kay Tomas Osias, executive director ng COP, maaa-ring mag -increase pa ito 101.2 million. Bawat taon, tinatayang 1.7 milyong sanggol ang isinisilang sa buong bansa. Dagdag pa niya, inirerekomenda niya ang RH bill na maaaring magpababa sa bilang ng populasyon ng tao sa ating bansa.
Pero ang simbahan Katoliko at mga conservative groups ay tahasang tumututol dito. Ayon sa kanila, maaaring maabuso ang sinabing panukala at mauwi ito sa paglaganap ng aborsyon.
Ang Department of Health nga-yong 2012 ayon kay Senator Pia Cayetano, bosing ng Senate Committee on Health and Demography, bilang pagtugon sa tanong ni Senator Lito Lapid, ay naiulat na humihiling sa gobyerno upang aprubahan ang budget na umaabot sa P14 bilyon pampondo sa RH bill.
“For 2012, (the DOH is asking) P13.7 billion. Based on the DOH’s proposal, P18.5 million would be allocated for capacity building, P12.5 million for priority health program, and P3 million for the major final output of the health policy and development program.” Subalit sinabi rin ni Senator Cayetano na hindi pa niya ibinibigay ang kanyang suporta sa naturang budget sapagkat isinumite pa lamang ito ng DOH.
Samantala, si Senate President Juan Ponce-Enrile ay nagulat tungkol sa isinusulong na budget.
“I was struck by the statement of the sponsor that there were proposals already about the budgetary component of this measure…” ani Enrile na tahasan ang pagtutol sa panukalang batas.
Ngunit magkano nga ba ang budget upang mai-rehabilitate ang mga kababayan nating mga hikahos sa buhay? Sa bagay, wala namang
sapat na magkakaugnay na datos upang maipaliwanag ito. Tama marahil ang tinuran ni Senador Tito Sotto na ang tamang edukasyon, pabahay at trabaho ang maaaring lunas ng paglobo ng populasyon sa bansa, hindi ang mga contraceptives. Bagay na may mga plano na ang mag-asawa dapat at pag-usapan kung ilang anak lamang dapat sila upang hindi sila mahirapan sa buhay.
Subalit papaano magpaplano ang isang pamilya kung nakahiga ito sa kahirapan? Ang “bahala na sa susunod” ay isang pananaw na walang patutunguhan, kundi mag-aambag pa lalo ng kahirapan sa ating bansa. Ang katotohanan, disiplina lang ‘yan!
Dapat malaman ng isang mag-asawa na habang dumarami ang kanilang mga supling ay dumarami rin ang obligasyon nila bilang mga magulang at mamamayang Pilipino, katulad ng pag-paparal sa kanilang mga anak. Tamang bahay, tamang trabaho, medikasyon at budget upang tustusan ang mga anak nila at upang makasabay ito sa mga hamon ng makabagong panahon.
Napapailing ako minsan kasi sa kabilang bakod ng tinitirahan kong subdivision, hangang ngayon ay baha. Dahil man sa baha o kawalan ng kasilyas, minsan nakikita ko sa bubungan ang mga bata sunud-sunod na nakatuwad sa kanilang bubungan at dumudumi diretso sa tubig.
Isang halimbawa ng kahirapan ang kawalan ng sapat na edukasyon ng mag-asawa at hindi nakapaghanda sa buhay-pamilya. Marahil, napapanahon na upang ang mga ahensiya ng gobyerno na sangkot dito ay magtulung-tulong upang labanan ang tunay na anyo ng kahirapan na siya pang sanhi ng lumolobong populasyon. Ang katotohanan marahil, ang RH bill ay isa lamang sa mga batas na isinusulong ng ating gobyerno upang masolusyonan ang lumalagong kahirapan. Lumang isyu na ito at isa lamang sa mga alternatibong solusyon.
‘Ika nga sa lenguwahe ng mga businessman, turuan mo silang mangisda, huwag mong bibigyan palagi ng isda.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. For comments and suggestions, e-mail: [email protected]; cp. 09301457621; landline (02)382-98-38.
Photos from Google images
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Maestro Orobia.